Antonette Gail, sinugod sa ospital dahil sa pagkakaroon ng bartholin cyst

Antonette Gail, sinugod sa ospital dahil sa pagkakaroon ng bartholin cyst

- Minabuti ni Whamos Cruz na dalhin na sa ospital ang girlfriend niyang si Antonette

- Nataranta umano siya dahil iyak umano ito nang iyak sa kanilang bahay dahil sa nararamdamang sakit

- Ayon sa doktor, bartholin cyst umano ang tumubong bukol sa maselang bahagi ng katawan ni Antonette

- Matapos siyang masuri at dalhin sa emergency room ay nakauwi rin sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nataranta umano si Whamos nang makitang umiiyak ang girlfriend niyang si Antonette Gail. Minabuti ni Whamos Cruz na dalhin na sa ospital ang girlfriend.

Antonette Gail, sinugod sa ospital dahil sa pagkakaroon ng bartholin cyst
Antonette Gail, sinugod sa ospital dahil sa pagkakaroon ng bartholin cyst (Whamoscruz)
Source: Facebook

Sa video na binahagi ni Whamos, makikita si Antonette na nakahiga sa ER habang naghihintay ng kanilang doktor.

Aniya, nataranta umano siya kaya sinugod niya na ito sa emergency room. Bartholin cyst umano ang meron si Antonette. Humiling din ng dasal si Whamos para sa pag galing ng kanyang girlfriend.

Read also

Amo ni Jovelyn Galleno, binahagi ang kwento noong araw na nawala ang dalaga

Matapos siyang masuri at maresetahan ng gamot ay napauwi na rin sila ng kanilang doktor. Kasalukuyang nagdadalang-tao si Antonette kaya iniingatan nila ang kondisyon nito. Samatala, marami naman sa mga followers nila ang nagpaabot ng kanilang mensahe at dasal para sa mabilis na paggaling ni Antonette.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Whamos Cruz ay isang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay nilinaw nina Whamos at Antonette Gail scripted ang vlog nila kung saan bumili si Antonette ng regalo para kay Whamos. Gayunpaman, iyon lamang daw ang scripted video nila at pawang totoo umano ang pinapakita nila sa iba nilang videos. Inamin nilang naroroon din daw si Whamos nang namili si Antonette dahil kailangan din daw siya para sa sukat ng sapatos.

Read also

Pamilya ni Jovelyn Galleno, emosyonal na naglabas ng saloobin sa pagkawala ng dalaga

Sa naunang ulat ng KAMI, inanunsyo na ng vlogger couple na sina Whamos at Antonette Gail na magkakaroon na umano sila ng baby. Ipinakita ni Antonette ang dalawang pregnancy test na pareho ang resulta na nagdadalang-tao nga siya. Ayon naman kay Whamos, pinag-isipan talaga nila ito at siniguro munang maayos ang kanilang pamumuhay para sa magiging anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate