Whamos at Antonette Gail, magkaka-baby na; "Pinag-isipan namin ng matagal 'to"

Whamos at Antonette Gail, magkaka-baby na; "Pinag-isipan namin ng matagal 'to"

- Inanunsyo na ng vlogger couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail na magkakaroon na umano sila ng baby

- Ipinakita ni Antonette ang dalawang pregnancy test na pareho ang resulta na nagdadalang-tao nga siya

- Ayon naman Whamos, pinag-isipan talaga nila ito at siniguro munang maayos ang kanilang pamumuhay para sa magiging anak

- Matatandaang minsang tinutulan ng ina ni Antonette ang relasyon nila ni Whamos ngunit ngayon, magkakaroon na sila ng pamilya

Masayang inanunsyo ng vlogger couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail na magkakaroon na sila ng baby.

Whamos at Antonette Gail, magkaka-baby na; "Pinag-isipan namin ng matagal 'to"
Whamos at Antonette Gail (Antonette Gail)
Source: Facebook

Sa video na ibinahagi ni Antonette, makikitang emosyonal siya nang makumpirmang nagdadalang-tao siya sa anak nila ni Whamos.

Dalawang pregnancy test ang ipinakita nito sa nobyo upang makumpirmang buntis nga siya.

Mababakas naman ang tuwa ni Whamos na napayapos agad sa nobya nang makita ang magandang balita.

Read also

Cristy Fermin, sinabing nakipag-relasyon daw si Jeric Gonzales sa mayamang businessman

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"So guys, may blessing na naman na dumating sa buhay namin. Sa lahat ng naging blessing na dumating sa amin, ito yung pinakamangandang blessing sa amin, magkaka-baby na kami guys! " ani Whamos.

May mensahe na rin sila sa mga bashers na alam nilang hindi pa rin umano sila tatantanan.

"At syempre, sa lahat ng mga mamba-bash diyan, panigurado 'yan iba-bash niyo kami. Ito lang ang sasabihin namin sa inyo, sa lahat ng mga bashers, go lang, i-bash niyo lang kami. Basta kami, wala kaming pakialam sa inyo. Dahil una sa lahat hindi kayo ang gagastos dito."

Narito ang kabuuan ng kanilang announcement:

Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programang Raffy Tulfo in Action kung saan nagsumbong ng ina ni Antonette. Ito ay dahil sa tutol ang ina nito sa pagsasama nila ni Whamos na ngayo'y magiging ama na ng kanyang anak.

Read also

Mister ng tinderang naararo umano ng SUV, dumulog na sa RTIA

Ilan lamang sila sa mga social media influencer na tila mas tumatatag ngayon sa kabila ng mga napapabalitang hiwalayan naman ng iba.

Tulad na lamang ng kilalang vlogger na si Zeinab Harake na tuluyan nang nakipaghiwalay sa nobyo at ama ng kanyang anak na si Skusta Clee. Kasabay halos ng kumpirmasyong ito ang pag-anunsyo ni Zeinab sa pagkawala ng kanya sanang ikalawang baby na si Moon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel