Cristy Fermin, sinabing nakipag-relasyon daw si Jeric Gonzales sa mayamang businessman

Cristy Fermin, sinabing nakipag-relasyon daw si Jeric Gonzales sa mayamang businessman

- Ikinuwento ni Cristy Fermin ang tungkol sa aniya'y naging relasyon ni Jeric Gonzales sa isang mayamang businessman na aniya'y "trinabaho" nang husto ng aktor

- Pinaalis umano ng asawa ng businessman sina Jeric kasama ang kanyang pamilya na nakatira sa isang bahay ng mag-asawa

- Ani Nay Cristy, alam niyang may tampo si Jeric sa kanya ngunit mas gugustuhin umano niyang magalit sa kanya si Jeric dahil hindi niya pinaniniwalaan ang umano'y 'kasinungalingan' nito

- Matatandaang kamakailan ay may mga malisyosong mga litrato ang aktor kung saan may kasama siyang isang lalaki

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naibahagi ni Cristy Fermin sa kanyang online show na Showbiz Now Na ang kwento tungkol sa umano'y pakikipagrelasyon ni Jeric Gonzales sa isang mayamang businessman. Aniya, isa siyang saksi sa kung paano 'trinabaho' nang husto ni Jeric ang naturang businessman.

Read also

Cristy Fermin, sinabing tinapon daw ni Carla Abellana ang mga gamit ni Tom Rodriguez

Cristy Fermin, ikinuwento ang relasyon umano ni Jeric Gonzales sa mayamang businessman
Cristy Fermin, ikinuwento ang relasyon umano ni Jeric Gonzales sa mayamang businessman (@rabiyamateo)
Source: Instagram

Umabot umano sa puntong nalaman ng asawa ng businessman ang tungkol sa kanilang relasyon kaya agad silang pinaalis sa bahay kung saan sila pinatira. Sinabihan daw si Jeric ng misis ng businessman na iiwan lahat ng nakuha nito sa kanyang asawa.

Nabanggit din ni Nay Cristy na alam niyang may tampo sa kanya ang aktor.

Payo ni Nay Cristy at ng mga kasama niya, linisin sana muna niya ang mga maling nagawa niya at ipagtapat niya kay Rabiya ang mga nagawa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa lungsod ng Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa mga kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Read also

Mister ng tinderang naararo umano ng SUV, dumulog na sa RTIA

Kamakailan lang ay ikinabahala ng mga fans ni Rabiya ang kanyang binahaging cryptic post sa Instagram. Hindi na nito binanggit kung ano ang kanyang pinagdadaanan ngunit bumuhos ang mensahe ng pagsuporta sa kanya. Sa isa sa kanyang sagot sa mga mensahe sa kanya, sinabi niyang kailangan niya ng virtual hug.

Kasunod nito ay ang pagkalat ng ilang malisyosong mga pictures ni Jeric kung saan may kasama siyang lalaki na tinakpan ang mukha. Agad na nag-trending ang aktor. Gayunpaman, agad ding humupa ang isyu nang magbahagi si Rabiya ng picture nila ni Jeric na kuha sa kanilang date.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel