Carla Abellana, nag-iba ang pananaw sa kasal: "I honestly don’t see myself getting married again."

Carla Abellana, nag-iba ang pananaw sa kasal: "I honestly don’t see myself getting married again."

- Ayon kay Carla Abellana, naniniwala pa rin naman siya sa pag-ibig matapos ang nangyari sa kanyang marriage

- Gayunpaman, nag-iba umano ang pananaw niya pagdating sa pagpapakasal matapos ang mga nangyari

- Hindi na raw niya nakikita ang kanyang sarili na ikakasal pa siyang muli ngunit aniya ay gusto niyang maranasang umibig na muli

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ito ang kanyang naging pahayag sa kanyang pag-guest sa Fast Talk With Boy Abunda

Umaasa si Carla Abellana na maranasan niyang muli ang umibig. Sa panayam sa kanya sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi niyang nag-iba na ang kanyang pananaw pagdating sa pagpapakasal.

Carla Abellana, nag-iba ang pananaw sa kasal: "I honestly don’t see myself getting married again."
Carla Abellana, nag-iba ang pananaw sa kasal: "I honestly don’t see myself getting married again." (@carlaangeline)
Source: Instagram

Dahil sa gag order ay limitado pa rin ang mga naibahagi ng aktres ngunit pahapyaw niyang ibinahagi ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Tom Rodriguez matapos lamang ang tatlong buwan nang sila ay ikasal.

Read also

Carla Abellana sa pagrereto ni Kris Aquino: " Medyo natatakot pa po ako"

Ani Carla, naniniwala pa rin naman siya sa pag-ibig ngunit aniya ay hindi na niya nakikita ang sarili na ikakasal pa siyang muli.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Love, definitely po, Tito Boy, kasi ang love naman po di lang romantic lang. Love is all around us. There’s family love, love for your career, everything… napakadami po niyan. It’s definitely all round us. I feel that. I still believe in love.

Aniya, nag-iba ang kanyang konsepto ng marriage.

"So, I honestly don’t see myself getting married again. Parang nag-iba po, e, nabulagbog po yung aking konsepto or perception."

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Read also

Kylie Padilla sa viral posts nina Aljur at AJ: "I’m happy for everyone"

Matatandaang sa post ni Tom Rodriguez sa Instagram, may ilang netizens ang napatanong tungkol sa totoong nangyari sa kanila ni Carla Abellana. Tinanong siya ng isang netizen kung bakit ito nanahimik tungkol sa isyu at sa kanyang sagot ay nabanggit niya ang tungkol sa gag order.

Sa pahayag ni Tom Rodriguez, nasabi niyang pinal na ang nilabas na divorce decree sa kasal nila ni Carla Abellana. Hangad niya umanong matupad ang birthday wish ni Carla na maging masaya na siya. Ayon kay Tom Rodriguez, tanggap niya na rin umano ang desisyon ni Carla kaya panahon na para mag-move forward siya at turuan ang sariling kalimutan ang aktres. Gayunpaman, iginiit niyang hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel