Carla Abellana sa pagrereto ni Kris Aquino: " Medyo natatakot pa po ako"

Carla Abellana sa pagrereto ni Kris Aquino: " Medyo natatakot pa po ako"

- Naibahagi ni Carla Abellana na natutuwa siya at naflatter sa comment ni Kris Aquino kung saan may nirereto ito sa kanya

- Ani Carla, hindi naman sa tinatanggihan niya ang offer at hindi din daw sa wala siyang tiwala sa matchmaking skills ni Kris

- Gayunpaman, aminado siyang may takot pa rin siya at ayaw niya muna i-explore ang mga ganoong bagay

- Matatandaang nabanggit na rin ni Carla na naka-move on na siya pero aniya ay nag-iba na rin ang pananaw niya sa pagpapakasal dahil sa nangyari

Nagsalita si Carla Abellana sa komento ni Kris Aquino kung saan sinubukan nitong i-reto ang kaibigan kay Carla kung naayos na ang annulent nito. Sa isang panayam ng GMA News ay aminado siyang may takot pa rin siya at ayaw niya muna i-explore ang mga ganoong bagay.

Read also

Juliana, game bumalik sa It's Showtime; nag-sorry na kay Vice: "Nag-reach out ako sa kanya"

Carla Abellana sa pagrereto ni Kris Aquino: " Medyo natatakot pa po ako"
Carla Abellana sa pagrereto ni Kris Aquino: " Medyo natatakot pa po ako" (@carlaangeline)
Source: Instagram

Aniya, compliment para sa kanya ang ginawa ni Kris na naisip pa nito si Carla sa gitna ng pinagdadaanan nito.

“In a way, compliment pa nga ‘yon. Parang magandang gesture coming from her na meron siyang naiisip para sa akin, I find it amusing and at the same time nakaka-flatter kasi naiisip niya pa ako. May ganoong nirereto siya, may suggestion siyang ganon. Okay naman. Nakakatuwa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Matatandaang sa post ni Tom Rodriguez sa Instagram, may ilang netizens ang napatanong tungkol sa totoong nangyari sa kanila ni Carla Abellana. Tinanong siya ng isang netizen kung bakit ito nanahimik tungkol sa isyu at sa kanyang sagot ay nabanggit niya ang tungkol sa gag order.

Read also

Kathryn Bernardo, nagpaliwanag tungkol sa viral pictures nila ni Jericho Rosales

Sa pahayag ni Tom Rodriguez, nasabi niyang pinal na ang nilabas na divorce decree sa kasal nila ni Carla Abellana. Hangad niya umanong matupad ang birthday wish ni Carla na maging masaya na siya. Ayon kay Tom Rodriguez, tanggap niya na rin umano ang desisyon ni Carla kaya panahon na para mag-move forward siya at turuan ang sariling kalimutan ang aktres. Gayunpaman, iginiit niyang hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel