Kathryn Bernardo, nagpaliwanag tungkol sa viral pictures nila ni Jericho Rosales

Kathryn Bernardo, nagpaliwanag tungkol sa viral pictures nila ni Jericho Rosales

- Nilinaw ni Kathryn Bernardo ang tungkol sa nag-viral na video at pictures na magkasama sila ni Jericho Rosales na nag-jogging

- Ani Kathryn, ang pamangkin ni Jericho na si John Manalo ay malapit na kaibigan niya at nagkayayaan na mag-jogging kaya nagkasabay sila

- Hindi naman ikinaila ni Kathryn na bukas siyang makatrabaho ang aniya'y napakabait na aktor na si Jericho

- Matatandaang nag-viral kamakailan ang picture nila nang ibahagi ng netizen ang selfie kasama sila habang nagjo-jogging

Nagpaliwanag si Kathryn Bernardo kaugnay sa nag-viral na pictures ni Jericho Rosales kamakailan. Sa panayam ni MJ Felipe, aminado si Kathryn na bukas siya sa posibilidad na maktrabaho si Echo na inilarawan niya bilang nice guy at sobrang bait.

Kathryn Bernardo, nagpaliwanag tungkol sa viral pictures nila ni Jericho Rosales
Kathryn Bernardo, nagpaliwanag tungkol sa viral pictures nila ni Jericho Rosales
Source: Facebook

Paliwanag ni Kathryn, ang pamangkin ni Jericho na si John Manalo ang malapit na kaibigan niya at nagkayayaan lang daw na mag-jogging.

Read also

Juliana, game bumalik sa It's Showtime; nag-sorry na kay Vice: "Nag-reach out ako sa kanya"

“Si John Manalo, good, good friend of mine (since) 'Goin’ Bulilit' days. Nagkita kami nun, magwo-work out ako talaga that day tapos na-mention niya. Sabi niya gusto mo sumama? OK why not, kesa mag-work out ako mag-isa. Tapos nag-jogging kami. 11 late na, we were just having fun, working out, 'yun lang,”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kathryn Bernardo ay isang kilalang artista sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong March 26, 1996, siya ay nagsimulang magtrabaho sa larangan ng pag-arte noong bata pa lamang siya. Kilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga teleserye at pelikulang Pilipino. Bumida si Kathryn sa iba't ibang proyekto tulad ng "Princess and I," "Got to Believe," at "Pangako Sa 'Yo."

Matatandaang puring-puri ni Alora Sasam ang pagiging professional ng kanyang kaibigang si Kathryn Bernardo. Kalakip ito ng video ng dance cover ni Kathryn ng nauusong sayaw na "Water". Sinagot ni Alora ang isang netizen na nagsabing dapat ay payuhan ni Alora sina Kathryn at Daniel at huwag manghimasok. Ani Alora, kung alam lang nito ang kanyang nalalaman ay iba ang magiging komento nito.

Usap-usapang muli sina Kathryn at Daniel Padilla matapos mapansin ng netizens na naka-unfollow na sa Instagram si Kathryn sa ex niyang si DJ. Ito ay matapos ang isa’t-kalahating buwan mula nang isapubliko nila ang tungkol sa kanilang paghihiwalay. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay naka-follow pa rin si Daniel sa aktres na nakasama niya din kamakailan sa kasal ni Robi Domingo at Maiqui Pineda. Namamataang maayos na magkausap ang dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel