Juliana, game bumalik sa It's Showtime; nag-sorry na kay Vice: "Nag-reach out ako sa kanya"

Juliana, game bumalik sa It's Showtime; nag-sorry na kay Vice: "Nag-reach out ako sa kanya"

- Nais pa rin umanong bumalik sa "It's Showtime" ni Juliana Parizcova Segovia

- Sa tuwing may mga nagtatanong nga sa kanya kung kailan siya mapapanood muli sa naturang noontime show, sinasabi niyang 'soon'

- Aniya, nag-reach out na rin siya noon kay Vice Ganda at nakuha na rin niya umanong mag-sorry

- Sa unang chat niya'y sumagot ito subalit nito lamang huli, na-seen lang ng Unkabogable star na ayon kay Juliana, baka busy lamang

Kinumusta ni Ogie Diaz si Juliana Parizcova Segovia sa mismong pwesto ng paresan ng ina nito.

Juliana, game bumalik sa It's Showtime; nag-sorry na kay Vice: "Nag-reach out ako sa kanya"
Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)
Source: Instagram

Matatandaang napabalitang 'naghihirap' na raw si Juliana matapos lalo ang eleksyon na pinabulaanan naman niya sa panayam sa kanya ni Ogie.

"'Di naman naghihirap, di rin naman super yaman. Pero siyempre, kailangan lang nating gumalaw, araw-araw. Sa trabaho naman namin Mama Ogs. hindi naman lagi meron. Ginagawa ko ang lahat para hindi ako bumalik sa dati."

Read also

Juliana Parizcova, muling pinakita ang mga korona ng Miss Q&A; pinabulaanang binenta niya ito

Isa rin sa naitanong sa kanya ni Ogie ay kung nais pa nitong makabalik sa It's Showtime kung saan siya nakilala sa pagsungkit ng korona bilang Miss Q&A 2018.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kahit yung mga nakakasalubong ko lang, lagi nilang sinasabi na 'o, 'di na kita nakikita, kailan ka babalik ng Showtime," ani Juliana.

"Ang sinasagot ko nalang sa kanila, soon... ganyan, para mag-manifest. Kasi kahit ako, gusto kong bumalik kasi 'dun naman ako talaga unang sumampa. 'Dun pinanganak si Juliana Parizcova Segovia. So para sa akin, mahal na mahal ko yung bahay na 'yun, 'yung show na 'yun dahil dun nagsimula ang lahat," giit pa niya.

Aniya, nagawa na rin niyang mag-reach out kay Vice sa kabila ng kanila umanong naging isyu partikular na sa mga naganap sa panahon ng eleksyon ilang taon na ang nakalipas.

Read also

Kathryn Bernardo, nagpaliwanag tungkol sa viral pictures nila ni Jericho Rosales

"Kung effort lang din ang pag-uusapan, nag-exert din naman ako ng effort lalo na kay Vice. Nag-effort din naman ako. Nagpi-PM ako sa kanya. Natatandaan ko even after election, parang merong isang portion sa Showtime na nabanggit niya ako so nag-thank you ako."
"Sabi niya welcome. Sabi niya deserve mo naman 'yun na mabanggit. And kahit itong recently lang, nung Magpasikat nila this 2023. Parang nagkabati sila ni Billy. So nag-reach out ako sa kanya, nag-congratulate ako sa team nila. Nag-sorry ako kung na-offend ko man siya noon."
"Wala, nag-seen. Pero feeling ko busy lang siya nu'n. Kasi before that naman nakapagreply naman siya sa'kin na yun nga nabanggit niya ako sa Miss Q and A, nakapagreplay naman siya noon"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:

Si Juliana Parizcova Segovia ay si "TJ Ortega" sa totoong buhay. Nakilala siya sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime taong 2018.

Read also

Cristy, nabalitaang maaring 'di matuloy ang pag-uwi ni Bimby para mag-artista

Sa kasagsagan ng Election 2022, gumawa ng ingay ang pangalan ni Juliana sa social media dahil sa isang parody video na umano'y base sa kontrobersyal na video noon ni Angelica Panganiban.

Minsan na rin nitong pinabulaanan ang umano'y isyu kung saan dinedma raw siya ni Vice Ganda sa Miss International Queen Philippines. Aniya siya ang lumapit sa kanyang 'Meme Vice', nagbeso at yumakap kaya walang katotohanan ang sinasabing dedmahan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel