Juliana Parizcova, muling pinakita ang mga korona ng Miss Q&A; pinabulaanang binenta niya ito

Juliana Parizcova, muling pinakita ang mga korona ng Miss Q&A; pinabulaanang binenta niya ito

- Muling ipinakita ni Juliana Parizcova Segovia ang mga napanalunang korona mula sa Miss Q&A

- Ito ay para patunayang walang katotohanan na ibinenta niya ito

- Unang-unang umanong magagalit ang kanyang ina sakaling maisipan niyang ibenta ang mga ito

- Nasabi niya ang pagnanais sanang makabalik sa 'It's Showtime' kung saan umano ipinanganak ang pangalang Juliana Parizcova Segovia

Kinumusta ni Ogie Diaz si Juliana Parizcova Segovia sa pwesto mismo ng Pares business nilang mag-ina.

Juliana Parizcova, muling pinakita ang mga korona ng Miss Q&A; pinabulaanang binenta niya ito
Juliana Parizcova (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Isa sa mga napagkwentuhan nila ay ang minsang pagsipot ni Juliana sa vlog ni Boss Toyo ng Pinoy Pawnstars.

Inakala ng marami na binalak talaga ni Juliana na ibenta ang kanyang mga koronang nakuha sa Miss Q&A.

Subalit nilinaw niyang 'for content purposes' lamang ang kanilang ginawa gayung matagal na raw siyang naiimbitahan umano sa vlog ni Boss Toyo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Juliana, game bumalik sa It's Showtime; nag-sorry na kay Vice: "Nag-reach out ako sa kanya"

"Hindi ko ibibenta korona ko ng Q&A. Papatayin ako ng nanay ko... Ayaw niya. Sobrang inaalagaan niya 'yun as in," kwento ni Juliana.

Dahil dito, ipinakita rin ni Juliana kay Ogie Diaz ang mga korona, patunay na ni isa ay wala siyang ibinenta sa mga ito.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:

Si Juliana Parizcova Segovia ay si "TJ Ortega" sa totoong buhay. Nakilala siya sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime taong 2018.

Sa kasagsagan ng Election 2022, gumawa ng ingay ang pangalan ni Juliana sa social media dahil sa isang parody video na umano'y base sa kontrobersyal na video noon ni Angelica Panganiban.

Minsan na rin nitong pinabulaanan ang umano'y isyu kung saan dinedma raw siya ni Vice Ganda sa Miss International Queen Philippines. Aniya siya ang lumapit sa kanyang 'Meme Vice', nagbeso at yumakap kaya walang katotohanan ang sinasabing dedmahan nila.

Read also

Ina ni Heart Evangelista, umano'y dadalo na sa muling pagpapakasal nina Heart at Chiz

Sa naging interview ni Ogie kamakailan, nasabi ni Juliana na minsan na niyang naka-chat si Vice. Ito ay sa kabila ng mga naging isyu at kontrobersya sa kanila sa mga nagdaang taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel