Vice Ganda, pinasalamatan ng isang contestant sa Miss Q&A

Vice Ganda, pinasalamatan ng isang contestant sa Miss Q&A

- Pinasalamatan si Vice Ganda ng isa sa mga Miss Q&A contestant matapos ang nagawa nitong pagkakamali

- Pinuntahan umano siya ni Vice sa dressing room para i-comfort dahil sa kanyang mga nabanggit na salita sa kanyang introduction na bawal sabihin lalo na sa telebisyon

- Agad siyang pinagsabihan ni Vice matapos ang kanyang pagsasalita lalo at iba naman umano ang sinabi nito sa kanilang rehearsal

- Katwiran ng contestant, dinagdag lamang umano niya ngunit humingi din siya kaagad ng dispensa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Vice Ganda umano mismo ang pumunta sa dressing room ng kalahok sa Miss Q&A na si Dimple Ruiz para i-comfort siya. Ito ay matapos ang kanyang nagawang pagkakamali na agad pinuna ni Vice.

Vice Ganda, pinasalamatan ng isang contestant sa Ms Q&A
Vice Ganda, pinasalamatan ng isang contestant sa Ms Q&A (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa pagpapakilala ng pangatlong kalahok na si Dimple Ruiz, nabanggit nito ang mga salitang hindi angkop sa telebisyon. Matapos niyang masambit ang mga salitang iyon ay nabalot ng katahimikan ang studio ng It's Showtime kahit pa may live audience na silang kasama.

Read also

Ethel Booba, pinakita ang mga regalong laruan ni Vice Ganda sa anak niya

Agad naman humingi ng paumanhin ang contestant kay Vice Ganda dahil sinabi ni Vice na hindi offensive nang maituturing ang mga salitang kanyang sinambit.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang Facebook post ay nagpasalamat pa rin si Dimple kay Vice dahil sa pagcomfort nito sa kanya dahil sa ginawang pagkakamali niya sa nasabing segment.

Thanks Meme Vice sa pag comfort po sa akin after ng pagkakamali ko..Talagang sinadya niyo pa po ako puntahan sa Dressing Room to Comfort me.. Napakabuti mo pong tao..Sorry po ulit.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host ,komedyante at negosyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na kabilang sa ilan sa mga pinakasikat niyang pelikulang nagawa. Isa rin siya sa mga main hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

K Brosas, kinumpirmang ligtas sila ni Pokwang sa aksidenteng nangyari sa kanila sa Amerika

Binahagi ni Vice Ganda ang kanyang pananaw kaugnay sa pagbuo ng pangarap sa buhay at sa pagdarasal sa Panginoon. Sa opening ng "It's Showtime" ay napag-usapan ng mga hosts ang tungkol sa kung ano ang pangarap pa nila na mangyari sa kanilang buhay. Ayon kay Vice, dapat ay taasan ang pangarap at maniwalang kaya itong abutin sa tulong na rin ng pagdadasal. Ang mahalaga umano ay dapat palaging sincere kapag nagdadasal sa Panginoon.

Kamakailan ay binanggit ni Vice ang pangalan ni Juliana Parizcova Segovia sa muling pagbabalik ng Miss Q&A. Sa kanilang opening ay nakasama niya ang ilan sa mga bahagi ng naunang mga edition ng Miss Q&A at nakausap niya ang mga ito. Napag-usapan nila ang mga dating mga naging bahagi ng naturang patimpalak at ang kasalukuyang kalagayan ng mga ito. Ang bagong edition ng Miss Q&A ay pinamagatang "Miss Q & A: Kween of Multibeks"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel