Ethel Booba, pinakita ang mga regalong laruan ni Vice Ganda sa anak niya

Ethel Booba, pinakita ang mga regalong laruan ni Vice Ganda sa anak niya

- Binahagi ni Ethel Booba ang kanilang unboxing ng mga regalong laruan ni Vice Ganda para sa anak niyang si Mikaela

- Sa kanyang vlog ay makikita ang mga laruang kanilang pinamili sa naunang vlog niya kung saan gumastos si Vice nang mahigit P300,000

- Umabot sa P124,000 ang kanyang binayaran sa mga laruan na napili ng anak ni Ethel

- Umabot naman sa P192,000 ang kanyang binayaran sa mga damit na kanilang pinamili

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Ethel Booba ang kanilang unboxing video ng mga laruang binili ni Vice Ganda para sa inaanak niyang si Michaela. Matatandaang umabot sa P124,000 ang binayaran ni Vice sa mga laruan na napili ng anak ni Ethel.

Ethel Booba, pinakita ang mga regalo ni Vice Ganda sa anak niya
Ethel Booba, pinakita ang mga regalo ni Vice Ganda sa anak niya (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Makikita sa video na binahagi ni Ethel na tuwang-tuwa si Michaela sa mga laruang karamihan ay siya din ang pumili.

Read also

Vice Ganda, pinasalamatan ng isang contestant sa Miss Q&A

Nagmistulang playground ang bahay nila sa dami ng mga laruang dineliver sa kanilang bahay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host, komedyante at negosyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na kabilang sa ilan sa mga pinakasikat niyang pelikulang nagawa. Isa rin siya sa mga main hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Binahagi ni Vice Ganda ang kanyang pananaw kaugnay sa pagbuo ng pangarap sa buhay at sa pagdarasal sa Panginoon. Sa opening ng "It's Showtime" ay napag-usapan ng mga hosts ang tungkol sa kung ano ang pangarap pa nila na mangyari sa kanilang buhay. Ayon kay Vice, dapat ay taasan ang pangarap at maniwalang kaya itong abutin sa tulong na rin ng pagdadasal. Ang mahalaga umano ay dapat palaging sincere kapag nagdadasal sa Panginoon.

Kamakailan ay binanggit ni Vice ang pangalan ni Juliana Parizcova Segovia sa muling pagbabalik ng Miss Q&A. Sa kanilang opening ay nakasama niya ang ilan sa mga bahagi ng naunang mga edition ng Miss Q&A at nakausap niya ang mga ito. Napag-usapan nila ang mga dating mga naging bahagi ng naturang patimpalak at ang kasalukuyang kalagayan ng mga ito. Ang bagong edition ng Miss Q&A ay pinamagatang "Miss Q & A: Kween of Multibeks"

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel