Brenda Mage, umaming nagsisi umano sa pagsali sa Pinoy Big Brother

Brenda Mage, umaming nagsisi umano sa pagsali sa Pinoy Big Brother

- Diretsahang nasabi ni Brenda Mage na nagsisi umano siya sa pagsali sa Pinoy Big Brother

- Ito ay matapos na makapasok siya sa Bahay ni Kuya kung saan nasa limang beses siyang nag-audition

- Napagtanto niya na na hindi lahat umano ng pangarap na nakakamit at ikasisiya niya sa huli

- Gayunpaman, malaki pa rin ang pasasalamat niya sa mga biyayang tinatamasa maging ang pagkakasali niya bilang celebrity housemate sa PBB

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umamin si Brenda Mage na nagsisisi umano siya sa pagkakasali sa Pinoy Big Brother kung saan isa siya sa mga naging kontrobersyal na housemate.

Brenda Mage, umaming nagsisi umano sa pagsali sa Pinoy Big Brother
Brenda Mage (@iambrendamage)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay isa sa mga naitanong sa kanya ni Karen Davila nang maging panauhin siya nito sa kanyang YouTube channel.

"Nagsisisi ka ba na sumali ka sa PBB?" tanong ni Karen kay Brenda.

Read also

Jessy Mendiola, binalikan ang mga panahong na-bash siya nang matindi

"Yes. Parang felling ko sa lahat ng na-achieve ko sa buhay ngayon, ang pinaka-achievement ko talaga na akalang ko imposibleng mangyari ay maging housemate," ani Brenda.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"May regrets po, wala. Kasi pinangarap ko po 'too since 2010 nag-audition po ako 4 times na. Pang- five times na last year tapos ngayon lang ako nakuha sa celebrity pa ako nalagay."
"So 'yun yung nagpa-realize sa akin na hindi pala lahat ng pangarap mo na gusto mong maabot pag nakuha mo na ay magiging masaya ka at fulfilled ka."

"'Yun yung nagpa-realize sa akin na 'wag mo nang i-push kung hindi naman talaga para sa'yo," paliwanag ni Brenda.

"Ngayong ibinigay sa akin, mas nag-focus ako na 'oh my God thank you Lord, para sa akin nga 'yung PBB thank you lord binigay mo po sa akin. 'Yun pala lesson yun para sa akin na meron ka na, na-achieve mo na, successful ka na..."

Read also

Ivana Alawi, inaming makailang beses nang naloko umano ng mga naging BF niya

Hiling din ni Brenda na makalimutan na umano ng mga bashers o haters niya ang mga nangyari sa PBB gayung nagbabago naman na raw siya at nagbabago kahit na paano.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel ni Karen Davila:

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates.

Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Nagbigyan muli ng pagkakataong makabalik sa bahay ni Kuya si Brenda kung saan hinirang pa siyang 5th placer.

Ito ay matapos na magwagi ni Brenda sa isang task kung saan nakatunggali niya si Madam Inutz na siyang naging daan upang makasama siya sa big 5.

Read also

Donnalyn Bartolome, mariing pinabulaanan ang sinabi ni Jose Hallorina na nanalo ito sa kaso

Samantala, 4th placer naman ang teen housemate na si Rob Blackburn, 3rd placer ang beauty queen na si Samantha Bernardo. 2nd placer naman ang adult housemate na si Isabel Laohoo at ang big winner ng Kumunity Season 10 ay si Anji Salvacion ng celebrity edition.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel