Camille Prats, napagsabihan ng kanyang ina dahil sa kanyang tattoo

Camille Prats, napagsabihan ng kanyang ina dahil sa kanyang tattoo

- Binahagi ni Camille Prats ang naging reaksiyon ng kanyang ina matapos niya mag-post ng kanyang picture sa Instagram

- Marami ang humanga sa ganda ng katawan niya na bunga ng kanyang pagiging masipag sa pagwo-workout

- Napansin ng kanyang mommy ang kanyang maliit na tattoo sa kanyang katawan at agad siyang napagsabihan

- Natawa na lamang ang aktres sa naging mensahe ng kanyang mommy

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binahagi ni Camille Prats sa kanyang Instagram stories ang natanggap na mensahe mula sa kanyang mommy matapos niyang mag-post ng picture niya kamakailan. Napansin ng kanyang mommy ang kanyang maliit na tattoo sa kanyang katawan at agad siyang napagsabihan.

Camille Prats, napagsabihan ng kanyang in dahil sa kanyang post
Camille Prats, napagsabihan ng kanyang in dahil sa kanyang post (@camilleprats)
Source: Instagram

Kapansin-pansin sa kanyang post na pawang mga positibong komento ang natanggap ng aktres dahil sa ganda ng hubog ng kanyang katawan dala na rin ng kanyang pagiging masipag sa pagwo-workout.

Read also

Pau Fajardo, sinabi na ayaw niya na ng karelasyong basketball player

Sa kanyang IG stories, binahagi ni Camille ang screenshots ng message ng ina kung saan sinabihan siya ng kanyang mommy na tumigil na dahil hindi na maganda tingnan. Nakabilog din ang kanyang tattoo sa pinadalang picture ng ina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinubukan niyang magpaliwanag ngunit tuloy-tuloy ang mensahe ng ina na nagsabi pang dagdagan pa nito sa kanyang binti dahil aniya ay may space pa at kulay pula umano ang ipalagay niya.

Natawa na lamang si Camille at naopa-"Love you" sa kanyang ina.

Si Sheena Patricia Camille Quiambao Prats–Yambao o mas kilala sa kanyang screen name na Camille Prats ay isang Filipina actress, host, at businesswoman. Siya ang nakababatang kapatid ng aktor at direktor na si John Prats. Isa sa pinaka sumikat niyang pelikula na pinagbidahan niya ay ang Sarah... Ang Munting Prinsesa.

Read also

Charo Santos, hindi inakalang mabibigyan ng pagkakataon na makagawa ng action scenes

Matatandaang naibahagi ni Camille ang isang house tour sa bahay na pinapatayo nilang mag-asawa. Ayon sa kanya ay nakatakda na silang lumipat sa bagong bahay nila. Aniya, hindi naging madali ang kanilang pagpapatayo ng bahay dahil sa mga pinatupad na restrictions dahil sa pandemya.

Sa kanyang kaarawan ay naibahagi ni Camille ang kwento tungkol sa kanila ng kanyang mister na si VJ Yambao. Waolong taon umano sila nang unang magkakilala sa kanilang paaralan. Binahagi niya rin ang kanilang class picture noon. Pinasalamatan ni Camille ang mister.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel