Pau Fajardo, sinabi na ayaw niya na ng karelasyong basketball player

Pau Fajardo, sinabi na ayaw niya na ng karelasyong basketball player

- Sa isang panyam kay Pau Fajardo, diretsahan niyang sinabi na hangga't maari ay ayaw niya na ng basketball player

- Hindi naman siya nagsalita ng patapos nang tanungin kung kailan siya magiging handa para sa bagong pag-ibig

- Aniya, kung darating ay ang Panginoon na umano ang bahala dahil hindi niya umano masasabi kung ano ang maari pang mangyari

- Nang tanungin naman kung ano ang magugustuhan niyang katangian ng lalaking maari niyang mahalin, sinabi niyang basta loyal ay ayos na sa kanya

Ayon kay Pau Fajardo, hangga't maari ay ayaw niya na ng basketball player. Gayunpaman, nakikita niyang blessing in disguise ang nangyari sa kanya dahil nagawa niyang lumabas sa kanyang comfort zone matapos ang kanyang dinanas.

Pau Fajardo, diretsahang sinabi na ayaw niya na ng basketball player
Pau Fajardo, diretsahang sinabi na ayaw niya na ng basketball player (@_paufajardo)
Source: Instagram

Sa video ng ginanap na presscon ng contract signing ni Pau bilang endorser ng Luxe Slim, naibahagi niya na bagama't naka-move on na siya sa controversial breakup nila ni Scottie Thompson ay hindi pa rin siya handang buksan ang puso niya para sa bagong pag-ibig.

Read also

Awra Briguela, naglabas ng saloobin matapos mawalan ng cellphone sa MOA Arena

Naitanong sa kanya kung bukas pa rin siya makipagrelasyon sa isang basketballplayer.

"Hindi na talaga! 'Wag na po!"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi naman siya nagsalita ng patapos nang tanungin kung kailan siya magiging handa para sa bagong pag-ibig.

"Kung darating, darating... 'Yun na lang po. 'Di ko masasabi, ayokong magsalita nang tapos... Bahala na si Lord."

Nang tanungin naman kung ano ang magugustuhan niyang katangian ng lalaking maari niyang mahalin, sinabi niyang basta loyal ay ayos na sa kanya

"Basta loyal, okay na ako."

Si Pau Fajardo ay isang modelo, social media personality na unang nakilala bilang long-time girlfriend ng basketbolistang si Scottie Thompson na isang professional Basketball playena naglalaro para sa koponang Barangay Ginebra San Miguel na kabilang sa Philippine Basketball Association. Ikinagulat ng mga netizens lalo na ng mga fans na umaasa na sila ang ikakasal matapos mag-propose ni Scottie kay Pau noong Enero taong 2021.

Read also

Cristy Fermin, sinabing nakipag-relasyon daw si Jeric Gonzales sa mayamang businessman

Inako ng ni Scottie na siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay ng longtime girlfriend na si Pau Fajardo. Kinumpirma din ng kampo ni Scottie Thompson na matapos ang hiwalayan kinasal ito ng patago sa isang sikat na social media influencer na kinilalang si Jinky Serrano. Ayon sa inilabas na balita ng Spin.ph, naganap ang kanilang private wedding sa Las Piñas.

Samantala, sa isang video na binahagi ng YouTube channel na StarsPhotog Vidz, naitanong kay Pau Fajardo kung napatawad na ba niya ang ex-fiancé na si Scottie Thompson. Hindi ipinagkaila ni Pau na nasa proseso pa rin siya ng pag-mo-move on. Aniya, kailangan antayin ang tamang panahon kung kailan siya makakapagpatawad dahil aniya ay hindi naman madali ang nangyari.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel