Vice Ganda, kinuwento na pinagtatapon umano ni Ethel Booba ang gamit niya sa condo

Vice Ganda, kinuwento na pinagtatapon umano ni Ethel Booba ang gamit niya sa condo

- Kinuwento ni Vice Ganda na sakit umano talaga ng ulo nilang magkakaibigan si Ethel Booba

- Naranasan pa umano niyang patirahin si Ethel sa kanyang condo ngunit pinagtatapon umano nito ang mga gamit niya dahil nagalit sa kanya

- Natawa naman si Ethel at hindi pinagkaila na ginawa niya iyon kay Vice Ganda dahil matutulog na umano siya at wala pa si Vice

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Para naman sa asawa nitong si Chef Jessie, masinop at maayos na asawa si Ethel

Nabanggit ni Vice Ganda sa kanyang vlog na si Ethel umano ang pasaway sa kanilang magbabarkada. Naranasan pa umano niyang patirahin si Ethel sa kanyang condo ngunit pinagtatapon umano nito ang mga gamit niya dahil nagalit sa kanya.

Vice Ganda, kinuwento na pinagtatapon umano ni Ethel Booba ang gamit niya sa condo
Vice Ganda, kinuwento na pinagtatapon umano ni Ethel Booba ang gamit niya sa condo (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Natawa na lang din ang mag-asawang Ethel at Chef Jessie sa kwento ni Vice. Hindi naman iyon ikinaila ni Ethel. Aniya, matutulog na kasi siya at matagal umuwi si Vice gayong nagsabi umano itong sandali lang siya.

Read also

Vice Ganda at Ethel Booba, kinaaliwan sa kanilang kauna-unahang collab vlog

Naitanong ni Vice kay Chef Jessie kung ano ang nagustuhan niya kay Ethel dahil ito umano ang pasaway na kaibigan niya. Ani Chef, mabait, malambing at maalaga si Ethel. Para naman kay Ethel, isa sa nagustuhan niya sa asawa ay kapag pinagluluto umano siya nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami ang natuwa sa collab vlog na ito ng magkaibigan. Marami sa kanila ang matagal na umanong naghihintay na magkasama sila sa vlog:

OMG. Namiss ko makitang magkasama si Ethel at Viceral. So happy to see them again.
Aww, ang fun nito meme. lt talaga basta kayo magkasama ni Ethel. naalala ko dati madalas mataas lalo ang rating kapag si Ethel ang guest at talagang trending online. sana masundan pa ‘tong collab niyo.
Finally! Pinakahihintay kong collab with Meme and Ethel! Old videos na lang nila pinapanuod ko, lalo iyong GGV guesting ni Ethel with MC at Lassy.

Read also

Cristy Fermin, sinabing tinapon daw ni Carla Abellana ang mga gamit ni Tom Rodriguez

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Matatandaang nasampolan si Vice Ganda ng 'physical hosting' nina Jhong Hilario at Vhong Navarro. Muling ginawa ng dalawang dating miyembro ng Streetboys ang dating ginagawa nila kay Vice Ganda at hindi ito napaghandaan ni Vice.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel