Lyca Gairanod, hindi nagpatalo sa rampahan; napiling muse ng basketball team sa kanilang lugar

Lyca Gairanod, hindi nagpatalo sa rampahan; napiling muse ng basketball team sa kanilang lugar

- Binahagi ni Lyca Gairanod sa Facebook ang ilang live video ng kanyang pagsali bilang isa sa mga muse ng mga basketball team sa kanilang lugar

- Habang naglalakad ay agaw-pansin ang singer lalo at marami ang nakakakilala sa kanya kahit hindi na ito masyadong aktibo sa paglabas sa mga TV shows

- Hindi din ito nagpahuli sa rampahan kasabay ang ilan pang mga muse ng iba pang koponan

- Naghiyawan nang malakas ang mga tao nang si Lyca na ang rumampa at nagpakilala

Hindi nagpatalo sa rampahan si Lyca Gairanod nang mapili siyang muse sa basketball ng isang koponan sa kanilang lugar. Kahit isa nang artista ay walang arte itong nakipagsabayan sa mga iba pang mga muse.

Lyca Gairanod, hindi nagpatalo sa rampahan; napiling muse ng basketball team sa kanilang lugar
Lyca Gairanod, hindi nagpatalo sa rampahan; napiling muse ng basketball team sa kanilang lugar (@lycagairanod.1)
Source: Instagram

Makikita sa unang video na kanyang binahagi ang pagsali nila sa parada kung saan isa siya sa humawak sa banner ng kanilang koponan. Bilang isang artista at vlogger, marami ang nakakakilala sa kanya kaya kinakawayan siya ng mga taong kanilang nadadaanan.

Read also

Carla Abellana, nag-iba ang pananaw sa kasal: "I honestly don’t see myself getting married again."

Samantala, pinalakpakan si Lyca sa kanilang pagrampa. Marami ang natuwa sa kanya dahil kahit nakaranas nang sumikat ay wala umano itong arte at sumasali pa rin sa mga kasiyahan ng simpleng mamamayan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Iba talaga pag laki sa hirap di maarte patuloy mulang yang magandang ugali mo Lyca.
She has a natural beauty Lyca humble girl .
Goodmorning Lyca, sana hindi ka po magbago kahit malayo na po narating mo sa buhay at sikat na sikat ka na po sa buong mundo just keep your feet on the ground po.

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1. Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

Read also

Mga anak ni Ruffa Gutierrez, pinasilip ang kanilang pamamasyal kasama ang kanilang ama

Bago pa man siya sumikat ay nag-viral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay maliit pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.

Matatandaang hindi napigilang maging emosyonal ni Lyca nang madatnan ang kanyang ama na nakaratay sa hospital bed. Hindi umano siya sanay na makitang ganoon ang kalagayan ng kanyang ama na aniya ay isang "strong man."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate