Mga anak ni Ruffa Gutierrez, pinasilip ang kanilang pamamasyal kasama ang kanilang ama

Mga anak ni Ruffa Gutierrez, pinasilip ang kanilang pamamasyal kasama ang kanilang ama

- Binahagi ng mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Venice at Lorin ang kanilang pagbati sa kanilang Baba na si Yilmaz Bektas

- Makikita sa mga IG stories ng dalawa ang pictures nilang mag-aama kung saan makikitang nakasakay sila sa sasakyang pandagat

- Ito ang kanilang unang father's day kasama ang kanilang ama matapos ang 15 taon na pagkakawalay

- Samantala, kahit nasa ibang bansa ay hindi nila kinaligtaang batiin ang kanilang lolo na si Eddie Gutierrez

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binati nina Lorin at Venice ang kanilang Baba ng "Happy Father's Day" kalakip ng mga binahaging pictures na kuha sa kanilang pamamasyal. Ito ang kanilang unang father's day kasama ang kanilang ama matapos ang 15 taon na pagkakawalay.

Mga anak ni Ruffa Gutierrez, pinasilip ang kanilang pamamasyal kasama ang kanilang ama
Mga anak ni Ruffa Gutierrez, pinasilip ang kanilang pamamasyal kasama ang kanilang ama (@iloveruffag)
Source: Instagram

Base sa kanilang mga binahaging litrato kuha ito sa kanilang pamasyal kung saan nakasakay sila sa isang sasakyang pandagat. Maging ang kanilang si Ruffa at ang tiyuhing si Raymond Gutierrez ay nabanggit kung gaanong nag-eenjoy ang magkapatid sa kanilang bakasyon sa Istanbul sa Turkey. Gayunpaman, malapit na rin umanong umuwi sa Pilipinas ang magkapatid matapos silang dumating doon nito lamang June 11, 2022.

Read also

Carla Abellana, nag-iba ang pananaw sa kasal: "I honestly don’t see myself getting married again."

Kahit malayo sa kanilang lolo, binati din ng magkapatid ang pinakamamahal na lolo nilang si Eddie Gutierrez.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Anak siya ng mga batikang artista na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant. Nabiyayaan siya ng dalawang anak na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran sa dati niyang asawang si Yilmaz Bektas.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Sa isang episode ng "It's Showtime kamakailan ay naitanong ni Vhong Navarro si Chie Filomeno kung kamusta ito. Naibahagi ni Chie na nakwento niya kay Ruffa na magsusuot siya ng sneakers. Kinawindang naman ng netizens ang naging rebelasyon ni Ruffa tungkol sa umano'y presyo ng naturang sapatos na suot ni Chie.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel