Lyca Gairanod, hindi napigil ang emosyon nang makita ang kalagayan ng ama

Lyca Gairanod, hindi napigil ang emosyon nang makita ang kalagayan ng ama

- Hindi napigilang maiyak ni Lyca Gairanod habang nakatingin siya sa kanyang amang nakaratay sa hospital

- Aniya, hindi siya sanay na makitang ganoon ang kanyang ama dahil ito umano ang gumigising sa kanila sa bahay

- Hindi naman na nabanggit ni Lyca kung ano ang dahilan ng pagkaka-ospital ng kanyang ama

- Bumuhos ang mensahe ng pagpapalakas ng loob ng dalaga at ng mga panalangin para sa mabilis na paggaling ng kanyang ama

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi napigilang maging emosyonal ni Lyca Gairanod nang madatnan ang kanyang ama na nakaratay sa hospital bed. Hindi umano siya sanay na makitang ganoon ang kalagayan ng kanyang ama na aniya ay isang "strong man."

Lyca Gairanod, hindi napigil ang emosyon nang makita ang kalagayan ng ama
Lyca Gairanod (@lycagairanod.1)
Source: Instagram

Kahit hindi siya naririnig ng ama, maririnig ang sinabi ni Lyca para sa ama. Aniya ay tumayo na ito at magvi-videoke pa umano sila. Sa kanyang binahaging video sa kanyang Facebook page, makikita ang dalaga sa labas ng silid at nakatingin lang sa ama sa salamin ng silid.

Read also

Maxene Magalona, ibinahagi ang kanyang madamdaming birthday message sa biyenan

Hindi naman na nabanggit ni Lyca kung ano ang dahilan ng pagkaka-ospital ng kanyang ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bumuhos ang mensahe ng pagpapalakas ng loob ng dalaga at ng mga panalangin para sa mabilis na paggaling ng kanyang ama:

May the Almighty God touch your father Lyca with His healing hands. Sending love and prayers
God is with you Ms Lyka, God is our great Physician and great Healer. Believe in Him and He will let your father be totally healed. Be strong for your Papa & for the whole family!
Stay strong Lyca keep praying trust him have faith nothing is impossible in god's powerfull hands.in Jesus name we declare healing.

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1.

Read also

Angeline Quinto, kasama ang makeup kit sa kanyang hospital bag

Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

Bago pa man siya sumikat ay nag-viral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay maliit pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: