Andrew E, ikinuwento ang sabay na audition nila ni Donita Rose sa 'That's Entertainment'
- Naikwento ni Andrew E ang pag-audition niya noon sa 'That's Entertainment'
- Nakasabay niya ang aktres na si Donita Rose na kasunod lamang niya sa bilang ng mga pumila
- Dahil tila bago pa lamang noon ang pag-rap, hindi siya nakapasa habang si Donita raw ay agad na natanggap
- Nang ikinuwento raw niya ito sa aktres, natatawa na lamang daw ito at naalala siya bilang ang lalaking 'maitim' na kanya raw noong katabi
Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Andrew E, isa sa mga naikwento niya ay ang pag-audition niya noon sa variety show na That's Entertainment noong dekada 80.
Nalaman ng KAMI na nakasabay pala umano ni Andrew sa pag-audition ang aktres na si Donita Rose.
Kwento ni Andrew dahil sa bago pa lamang noon ang pag-rap, tila nanibago si German "Kuya Germs" Moreno sa kanyang ginawang talento.
"Kasi hindi ako kumakanta, hindi ako sumasayaw, so ano 'yung pinagsasasabi mo," pagbabalik-tanaw ni Andrew.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sumunod sa kanya ang aktres na si Donita. Aniya, tinanong din ito ni Kuya Germs kung marunong siyang kumanta, sumayaw o umarte. Lahat umano ng sagot noon ni Donita ay "no." Subalit, laking gula tni Andrew na agad daw itong natanggap.
"Shock ako, shock ako! kinuwento ko 'yan kay Donita, tawa ng tawa. Sabi niya, ikaw pala yung maitim na katabi ko"
Gayunpaman, parehong nakilala sa industriya ng showbiz sina Andrew E at Donita Rose.
Narito ang kabuuan ng panayam kay Andrew E mula sa Toni Gonzaga Studios:
Si Andrew Ford Valentino Espiritu o mas kilala bilang si 'Andrew E' ay isang Filipino rapper, record producer, actor, toy collector at comedian. Una siyang nakilala sa larangan ng pag-rap noong 1990 dahil sa debut hit single "Humanap Ka Ng Panget" na kamakailan lang ay naging usap-usapan dahil sa tanong sa kanya ng vlogger na si Zeinab Harake.
Kamakakailan, napag-usapan din nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ang tungkol sa pagkampanya ni Andrew E sa iba't ibang mga kandidato kung saan lahat umano ay nananalo.
Kabilang na rito ang nagwagi bilang Presidente at Bise Presidente ng bansa na sina Bongbong Marcos at Sara Duterte ng UniTeam.
Source: KAMI.com.gh