Zeinab Harake, muling bumanat tungkol sa mga "pangit na manloloko"

Zeinab Harake, muling bumanat tungkol sa mga "pangit na manloloko"

- Sa kanyang binahaging picture sa Facebook, makikitang kasama ni Zeinab Harake sina Andrew E. at Yassi Pressman

- Kuha ito sa set ng game show na "Rolling in it" na kung saan si Yassi ang nagsisilbing host

- Sa kanyang caption ay muling bumanat si Zeinab kaugnay sa sikat na kanta ni Andrew E. na "Humanap Ka ng Pangit"

- Ani Zeinab, hindi totoo ang sinasaad sa kantang ito dahil aniya pati mga pangit ay manloloko na rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang post, sinabi ni Zeinab Harake na hindi totoo ang sinasabi sa kanta ni Andrew E. na "Humanap ka ng Pangit." Aniya, pati mga pangit umano ngayon ay manloloko na rin.

Zeinab Harake, muling bumanat tungkol sa mga "pangit na manloloko"
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Umani ng libo-libong shares at comments ang Facebook post na ito ni Zeinab kung saan binahagi niya ang picture niya kasama sina Andrew E. at Yassi Pressman. Kuha ito sa set ng game show na "Rolling in it" na kung saan si Yassi ang nagsisilbing host.

Read also

Kylie Verzosa, naluha nang amining nami-miss pa niya si Jake Cuenca

Matatandaang kamakailan lang ay naging usap-usapan din ang tweet niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang emosyonal na binahagi ni Zeinab kamakailan sa programa ni Toni Gonzaga ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee. Kasabay din ito ng pagkamatay ng anak niya na pinagbubuntis na aniya ay inilibing niyang mag-isa. Ito ang kanyang tinawag na si Baby Moon.

Sa isa sa kanyang mga vlog, hindi din napigilan ni Zeinab ang kanyang emosyon habang pinapasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya. Aniya ay kakayanin niya iyon lahat dahil deserve ng anak niya ng malakas na mommy.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zeinab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Battalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel