Kylie Verzosa, naluha nang amining nami-miss pa niya si Jake Cuenca

Kylie Verzosa, naluha nang amining nami-miss pa niya si Jake Cuenca

- Naluha si Kylie Verzosa nang matanong siya kung gaano niya nami-miss umano si Jake Cuenca

- Isa kasi ito sa diretsahang natanong sa kanya ni Vice Ganda na tanging pagluha niya ang kanyang naisagot

- Ayon pa kay Kylie, bagaman at maayos nila itong napagdesisyunan, nasa proseso pa rin siya ng pag-unawa sa mga nangyari sa kanila

- Katunayan, hindi pa rin niya binubura ang mga larawan nila ni Jake sa kanyang Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kahit anong pigil, naluha pa rin si Kylie Verzosa nang matanong siya ni Vice Ganda kung gaano niya umano ka-miss ang dating kasintahang si Jake Cuenca.

Kylie Verzosa, naluha nang amining nami-miss pa niya si Jake Cuenca
Kylie Verzosa (@kylieverzosa)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga naitanong ni Vice sa interview niya kay Kylie sa kanyang YouTube channel.

Unang natanong ni Vice kung kailan huling nagkita sina Kylie at Jake na sinagot naman ng beauty queen na 'last month.'

Read also

Kylie Verzosa, lakas-loob nang naikwento ang biglaang pag-iyak sa It's Showtime

At sinundan niya ito ng tanong na 'Do you miss him?' na agad namang sinagot ni Kylie ng "Oo naman."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit nang sumundot pa ng tanong si Vice ng 'gaano?', doon na hindi nakapagsalita ang aktres hanggang sa siya ay naluha na lamang.

Matatandaang noong nakaraang buwan, naging kontrobersyal ang biglang pag-iyak ni Kylie sa It's Showtime na noon pala'y may pinagdaraanan sa relasyon nila ni Jake.

Samantala, narito ang kabuuan ng pahayag niya sa YouTube channel ni Vice Ganda:

Si Kylie Verzosa ay isang actress model at beauty queen. Taong 2016 nang hirangin siya bilang Miss International at siya ay ang ikalabing-isang Pinay na nakakuha ng koronang ito. Mula sa pagiging beauty queen, isa na rin siyang ganap na aktres sa telebisyon at pelikula at kasalukuyang bahagi ng It's Showtime.

Read also

Zeinab Harake, muling bumanat tungkol sa mga "pangit na manloloko"

Samantala, si Vice Ganda ay isang komedyante at TV host, at isang content creator kung saan pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Sa kabila ng pagsubok na kinaharap ng ABS-CBN sa pagpapasara ng kanilang network, isa si Vice sa mga nanatili bilang isang Kapamilya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel