Kylie Verzosa, lakas-loob nang naikwento ang biglaang pag-iyak sa It's Showtime

Kylie Verzosa, lakas-loob nang naikwento ang biglaang pag-iyak sa It's Showtime

- Lakas-loob nang naikwento ni Kylie Verzosa ang ilang detalye kung bakit siya biglang naiyak sa 'It's Showtime'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Matatandaang naging usap-usapan ito gayung iyon ang naging hudyat ng rebelasyong hiwalay na sila ng aktor na si Jake Cuenca

- Aniya, minabuti niyang hindi magbigay ng anumang mga detalye dahil ayaw niyang may pagsisihan siya sa huli

- Gayunpaman, aminado ang aktres na nasa proseso pa rin siya ng pag-unawa sa sinapit ng kanilang relasyon ni Jake na maayos naman umano ang kanilang naging hiwalayan

Sa panayam sa kanya ni Vice Ganda, nakapagbigay ng ilang detalye si Kylie Verzosa patungkol sa naging kontrobersyal na biglaang pag-iyak niya sa It's Showtime.

Kylie Versoza, lakas-loob nang naikwento ang biglaang pag-iyak sa It's Showtime
Photo: Kylie Versoza and Vice Ganda
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nalaman ng KAMI na naging usap-usapan ito gayung iyon ang naging hudyat ng pagsasapubliko ni Kylie ng hiwalayan nila ni Jake Cuenca na nakarelasyon niya sa loob ng tatlong taon.

Ayon kay Kylie, tila tumugma lamang ang mga nasabi noon ni Vice sa kinakaharap niyang sitwasyon.

"Parang nagulat kasi ako nung sinabi mo 'yung line na 'yun kung challenge lang ba 'yun o sign. Swak na swak kasi 'yun sa pinagdadaanan ko," ani Kylie.

Inamin niyang wala umano siyang nakakausap ukol sa sitwasyon kaya tila bumuhos ang emosyon niya noong araw na iyon.

Aniya, pinili niyang hindi na muna mapag-usapan pa ito sa iba subalit pansin niya ang pagiging mainitin umano niya ng ulo dala marahil ng kinakaharap na sitwasyon.

"Sobrang fresh, sobrang bago, tapos hinayaan ko lang, in shock at ayaw kong magbitaw ng mga salita na pagsisisihan ko sa dulo. Kaya 'pag hindi ko pa na-fully process, hindi ko pa masasabi, hindi ko pa sasabihin," pahayag ni Kylie.

Narito ang kabuuan ng interview mula sa YouTube channel ni Vice Ganda:

Si Kylie Verzosa ay isang actress model at beauty queen. Taong 2016 nang hirangin siya bilang Miss International at siya ay ang ikalabing-isang Pinay na nakakuha ng koronang ito. Mula sa pagiging beauty queen, isa na rin siyang ganap na aktres sa telebisyon at pelikulat at kasalukuyang bahagi ng It's Showtime.

Samantala, si Vice Ganda ay isang komedyante at TV host, at isang content creator kung saan pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Sa kabila ng pagsubok na kinaharap ng ABS-CBN sa pagpapasara ng kanilang network, isa si Vice sa mga nanatili bilang isang Kapamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel