Yeng Constantino, proud na ipinakilala ang transgender na kapatid

Yeng Constantino, proud na ipinakilala ang transgender na kapatid

- Sa kanyang vlog kamakailan, ipinakilala ni Yeng Constantino ang kapatid niya na isang transgender

- Ipinakwento ni Yeng kung paano nalaman at naramdaman ng kapatid na lalaki na mayroon pala siya umanong pusong babae

- Malaki ang pasasalamat naman ng kanyang kapatid na tanggap siya ng kanilang pamilya

- Lalo namang naging proud si Yeng sa kapatid dahil ito ang nag-alaga sa yumao na nilang ina at Kasa-kasama naman ngayon ng kanyang ama sa kanilang farm

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Proud na ipinakilala ni Yeng Constantino ang transgender niyang kapatid na si Kukie.

Nalaman ng KAMI na ito ang kapatid ni Yeng na madalas makita sa vlog lalo na kung sila ay nasa farm.

Yeng Constantino, proud na ipinakilala ang transgender na kapatid
Yeng Constantino (@yeng)
Source: Instagram

Ipinakwento ni Yeng kay Kukie kung paano niya nalaman at naramdaman na isa pala umano siyang babae sa katawan ng isang lalake.

Read also

Alex Gonzaga, natuwa sa -viral niyang tweet na may 'unity' comments ng netizens

"Nag-start nung Kinder. Pinagkakatuwaan ako ng mga classmate kong lalake. Tina-try ko na makipaglaro sa mga boys. Tapos nabu-bully ako noon. Bakla, bakla, ganun... Umuwi ako, sabi ko 'Ma, bakla raw ako sabi nila, ano yun?'"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Tapos pumunta kami sa salamin, 'nak yan yung bakla. Yung lalake ang itsura mo, pero 'yung puso mo babae"

Mula raw noon ay tanggap na ng pamilya ni Yeng ang kapatid na si Kukie.

Katunayan, maging ang kanilang ama ay suportado pa ang mga nais nito na minsan pang nagbigay ng pambayad sa pagpapa-makeup ni Kukie para sa isang okasyon sa kanilang paaralan.

"Andun din yung support ni Papa, 'Ma, pa-makeup-an mo 'yan," pagbabalik-tanaw ni Kukie.

At ngayon, si Kukie na rin ang kasa-kasama ng ama nila ni Yeng sa farm nito. Siya rin ang nag-alaga sa namayapa na nilang ina.

Read also

Cristy Fermin kay Kakie Pangilinan: "Nakapagtataka talaga ang mga ginagawa ni Kakie"

Narito ang kabuuan ng vlog na kapupulutan ng aral lalo na sa may mga kapamilya na miyembro ng LGBTQ community:

Si Yeng Constantino ay isang kilalang singer sa bansa na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite. Kamakailan ay pinasilip ni Yeng ang kanyang simpleng buhay kasama ang mister sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit isang milyong subscribers.

Kamakailan ay marami ang nagulat sa naging hindi inaasahang rebelasyon ni Yeng Constantino at Ryan Bang.

Naudlot umano ang kanilang ligawan nang bigla na lang hindi nagparamdam si Ryan na dati'y mahilig magpadala ng kape kay Yeng.

Samantala, isa si Yeng sa mga celebrities at performers na hayagang nagbigay ng suporta sa kandidatura sa pagka-pangulo ni Vice President Leni Robredo. Ilang campaign rally rin ng mga Leni-Kiko supporters ang kanyang dinaluhan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel