'Hawak Kamay' nina Yeng, Erik at Moira sa Layag People's rally ng Leni-Kiko tandem, viral
- Viral ang performance nina Yeng Constantino, Moira Dela Torre at Erik Santos sa People's Rally ng Leni-Kiko Tandem sa Zamboanga
- Ilan lamang sila sa mga volunteer performers at supporters nina VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa kanilang kampanya
- Habang umaawit ang tatlo, bumabati, nakiki-selfie at nakikipagkamay ang presidential candidate at ang running mate nito sa pagka-bise presidente
- Padagdag nang padagdag ang mga kilalang personalidad na boluntaryong sumusuporta sa kandidatura ni Leni Robredo sa pagka-pangulo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nag-viral ang performance nina Yeng Constantino, Erik Santos at Moira Dela Torre sa People' Rally ng mga 'Kakampink' sa Cesar Climaco Freedom Park in Barangay Pasonanca, Zamboanga City noong Huwebes, Marso 17.
Nalaman ng KAMI na kasama ang tatlo sa mga volunteer performers na sumusuporta kay presidential aspirant Leni Robredo at vice presidential candidate Kiko Pangilinan gayundin ang kanilang senatorial line up.
Kinanta nina Erik, Moira ang awiting sulat ni Yeng na 'Hawak Kamay.' Habang sila'y umaawit, nakikihalubilo si VP Leni at Senator Kiko sa mga supporters nila at nakiki-selfie pa.
Matapos ang awitin, sama-samang nag-hawak kamay ang mga kandidato ng 'Team Angat' sa pangunguna ni Robredo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang nasabing kaganapan na ibinahagi rin ng Philippine Star:
Nito lamang Marso 18, inanunsyo na rin ng bandang Ben and Ben ang pagsuporta nila sa kandidatura ni VIce President Leni Robredo.
Una umano silang sasabak sa People's rally ng mga Kakampink sa Linggo, Marso 20 sa Pasig City.
Samantala, kanya-kanyang pagpapabulaan ang ilang mga artist at musicians na napasama sa post na nagsasabing kasama umano sila sa isang campaign rally ng UniTeam.
Ilan sa kanila ay ang Parokya ni Edgar, Kamikazee, Zack Tabudlo at IV of Spades.
Tahasang sinabi ng mga ito na pawang fake news lamang ang narutang post at walang katotohanang sasama sila sa pangangampanya ng grupo ni presidential candidate BongBong Marcos at ka-tandem nito na kumakandidato naman sa pagka- bise presidente na si Sara Duterte.
Kamakailan, inalmahan din mismo ni Vice President Leni Robredo ang umano'y fake news kung saan sinabing mayroon siyang unang asawa sa edad 15, at nagkaroon daw siya ng anak dito na nagawa pa raw niyang iabandona.
Isa rin sa gumawa ng ingay sa social media kamakailan ay ang 'Story Time' ni Valentine Rosales patungkol sa mga presidential cups ng 7-Eleven. Burado na ang naturang post at nag-sorry na rin si Valentine sa publiko dahil sa kanyang ginawa.
Source: KAMI.com.gh