Kris Aquino, nagre-respond sa mga treatment na isinasagawa sa kanya ayon kay Ogie D

Kris Aquino, nagre-respond sa mga treatment na isinasagawa sa kanya ayon kay Ogie D

- Ayon sa source ni Ogie Diaz, nagreresponde umano sa mga treatment na isinasagawa sa kanya si Kris Aquino

- Nabanggit din niyang magtatagal ito sa Amerika gayung mahabang proseso ng gamutan ang gagawin sa kanya

- Sa ngayo'y wala pa mismong update mula kay Kris na karaniwan niyang ginagawa sa kanyang Instagram

- Hiling naman ni Ogie Diaz ang patuloy nang paggaling ng Queen of All Media na buong tapang na lumalaban sa kanyang karamdaman

Magandang balita ang hatid ni Ogie Diaz patungkol sa kalusugan ni Kris Aquino.

Kris Aquino, nagre-respond sa mga treatment na isinasagawa sa kanya ayon kay Ogie D
Kris Aquino and Ogie Diaz (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa pinakabagong episode ng kanyang Showbiz Update, nabanggit nitong maayos na nagreresponde si Kris sa gamutang isinasagawa sa kanya sa Amerika.

"Ito raw ay confirmed... Si Kris Aquino ay matagal na mamamalagi sa Houston, Texas. Siguro abutin ito ng one year Loi. Habang siya ay nagpapalakas, nagpapagaling. At in fairness naman, sabi ng aking source, e nagrerespond naman daw si Kris Aquino sa mga treatments na isinasagawa sa kanya," ani Ogie.

Read also

MG, hindi nagpatinag; may pasabog din na ilalabas sa kanyang YouTube channel

"'Yung iba kasi wala sila nababasa tungkol kay Kris. Kumbaga siguro nag-absent muna, nagpahinga pansumandali itong si Kris Aquino. Pero malay natin hindi rin makakatiis ang lola niyo. Babalitaan din niya kayo straight from the horse's mouth, live from Houston, Texas."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang kamakailan ay nagtungo si Kris sa Houston para umano sa gamutang isasagawa sa kanya gayung lumabas na mayroong iba't ibang klase siya ng karamdaman.

"3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the - meron po akong vasculitis, to be very specific - late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA," ayon mismo sa post ni Kris sa kanyang Instagram.

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Read also

MG, muling rumesbak: "Tapos ako ulit, para sa Knock Out Round"

Kamakailan, isa sa mga natalakay sa kanyang YouTube channel ay ang mga larawan nina James Reid at Liza Soberano na madalas na magkasama sa Amerika.

Nilinaw niyang umalis ang dalawa kasama ang kanilang grupo at wala umanong katotohanan na naghiwalay na ang aktres kay Enrique Gil.

Matapos ito, nabanggit niya ang Hollywood dream ni Liza na tila unti-unti na nitong sinisimulan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel