MG, muling rumesbak: "Tapos ako ulit, para sa knock out round"

MG, muling rumesbak: "Tapos ako ulit, para sa knock out round"

- Trending si Mark Jayson Warnakulahew o mas kilala sa tawag na MG sa kanyang makahulugang pahayag

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Ayon kay MG, isa siyang businessman at aniya ay wala namang mawawalang sponsorship o endorsement sa kanya

- Kasalukuyang nasa trending videos sa YouTube ang kanyang mga video kaugnay sa kanyang pahayag laban kina Skusta Clee at mga kaibigan nito

- Matatandaang nauna nang naibahagi ni MG ang screenshot ng umano'y ibedensiya niya na nagloko din si Flow G

Trending si Mark Jayson Warnakulahew o mas kilala sa tawag na MG nang maglabas ito ng makahulugang pahayag matapos ang kanyang naging patutsada laban kina Angelica Yap at Flow G. Ani MG, isa siyang businessman at aniya ay wala namang mawawalang sponsorship o endorsement sa kanya.

Read also

MG, nilabas ang umano'y patunay sa pagkakaroon ng 'chicks' ni Flow G

Screenshot from Makagago Wazzup Man/YouTube
Screenshot from Makagago Wazzup Man/YouTube
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa mga nauna niyang post ay diretsahang binanggit ni MG na may ilalabas siyang mga patunay kaugnay sa kanyang sinabi na nagloko din si Flow G kay Angelica. Nilabas niya ito bilang pagtatanggol kay Zeinab Harake laban kay Skusta Clee at sa aniya'y "kunsintidor" nitong mga kaibigan.

Gayunpaman, sa kanyang pinakahuling post ay wala na itong binanggit na pangalan.

Sige Ikaw naman. Tapos ako ulit, para sa Knock Out Round..
Mahilig ka palang Magsabay ng dalawang lalaki sa isang Relasyon no? Madalas pa artista hehe, Paano kung ininterview ko sila pareho? Girl, re think… sakin walang mawawala, Im A Businessman, without internet, sponsorship, endorsement and youtube I LIVE.

Hinamon din ni MG ang mga ito.

Kung kaya mo ng mawala lahat yan sayo/Sainyo.Tuloy mo yan. Maniwala ka sakin hindi maganda ang kakatapusan neto.

Read also

Francine Diaz, pinabilib si Darla Sauler sa kanyang pagiging organized

Si Mark Jayson Warnakulahew o mas kilala sa tawag na Makagago ay isang content creator na unang sumikat sa kanyang mga diss videos. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit 2.7 million subscribers sa kanyang YouTube channel na Makagago Wazzup Man.

Kamakailan lang nang ilabas niya ang isang video kung saan inalamahan niya ang umano'y pagkukunsinti ng kaibigan ni Skusta Clee sa ginawa nitong pag-iwan sa kanyang mag-ina. Hindi nito pinalampas ang nilabas na TikTok video ni Angelica Yap kung saan sinasabi niyang hindi siya kinakabahan.

Si Zeinab Harake umano ang piniling damayan ni Makagago laban kay Skusta Clee at sa mga kaibigan nitong "kunsintidor" umano. Sa kanyang nilabas na video ay binahagi niya ang screenshot ng umano't patunay ng pagkakaroon ng ibang "chicks" ni Flow G.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel