MG, nilabas ang umano'y patunay sa pagkakaroon ng 'chicks' ni Flow G

MG, nilabas ang umano'y patunay sa pagkakaroon ng 'chicks' ni Flow G

- Ayon kay Makagago, dadamayan niya si Zeinab Harake laban kay Skusta Clee at sa mga kaibigan nitong "kunsintidor" umano

- Ang tinutukoy nito ay ang kaibigan ni Skusta Clee na si Flow G at ang girlfriend nitong si Angelica Yap o mas kilala bilang si Pastillas girl

- Sa kanyang nilabas na video ay binahagi niya ang screenshot ng umano't patunay ng pagkakaroon ng ibang "chicks" ni Flow G.

- Aniya ay uunti-untiin lang niya ang kanyang ilalabas at may kasunod pa umano ang kanyang mga pasabog

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Zeinab Harake ang piniling damayan ni Mark Jayson Warnakulahew o mas kilala sa tawag na Makagago laban kay Skusta Clee at sa mga kaibigan nitong "kunsintidor" umano. Sa kanyang nilabas na video ay binahagi niya ang screenshot ng umano't patunay ng pagkakaroon ng ibang "chicks" ni Flow G.

Read also

Zeinab Harake, pinanindigang hindi na umano siya marupok

MG, nilabas ang umano'y patunay sa pagkakaroon ng 'chicks' ni Flow G
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Naging usap-usapan si Makagago matapos nitong ilabas ang isang video kung saan inalamahan niya ang umano'y pagkukunsinti ng kaibigan ni Skusta Clee sa ginawa nitong pag-iwan sa kanyang mag-ina. Hindi nito pinalampas ang nilabas na TikTok video ni Angelica Yap kung saan sinasabi niyang hindi siya kinakabahan.

Matapos niyang ilabas ang naunang video niya ay isang TikTok video ang nilabas ni Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl kung saan sinasabing hindi siya kinakabahan.

Hindi nito pinalampas ang nilabas na TikTok video ni Angelica at aniya ay maglalabas siya ng mga ebidensiya na ikakabigla ni Angelica. Aniya, kung dinamayan ng mga ito si Skusta Clee ay dadamayan naman niya si Zeinab.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Content creator na si MG kay Angelica Yap: "Basta walang bawian ng salita ha?"

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zeinab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Battalion.'

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel