Cristy Fermin, sinabing swerte si Andrew E sa mga pulitikong sinusuportahan niya

Cristy Fermin, sinabing swerte si Andrew E sa mga pulitikong sinusuportahan niya

- Nabanggit ni Cristy Fermin na swerte umano si Andrew E sa mga sinusuportahan nitong pulitiko

- Aniya, lahat ng sinampahang entablado ni Andrew E ng mga kandidato ay nananalo

- Kaya naman payo ni Cristy sa mga susunod na eleksyon na papirmahin agad ang kilalang rapper

- Si Andrew E ang isa sa mga personalidad na kasama ng UniTeam ng tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte na nangunguna ngayon sa resulta ng Eleksyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Swerte raw si Andrew E sa mga pulitikong sinusuportahan nito ayon kay Cristy Fermin.

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga napag-usapan nina Cristy, Romel Chika at Morly Alinio sa pinakabagong episode ng kanilang YouTube channel na 'Showbiz Now Na.'

Cristy Fermin, sinabing swerte si Andrew E sa mga pulitikong sinusuportahan niya
Andrew E kasama si Sara Duterte (@andrewe_dongalo)
Source: Instagram

Nagbanggit kasi ang batikang showbiz reporter ng aniya'y mga jinx na artista sa pulitikong sinusuportahan ng mga ito at doon nasabi naman niya na si Andrew E ay swerte.

Read also

Leni Robredo, lilipad patungong New York; tuloy pa rin ang paghahanda sa pagtatapos ng termino

"Kung saan sumampa si Andrew E, panalo 'yung manok niya," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kaya sa mga susunod, alam na gagawin nila, Kunin na agad ang kontrata. Papirmahin na agad si Andrew E," dagdag pa niya.

Si Andrew E ay isa sa mga personalidad na madalas na kasama ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Sa pinakahuling update ng COMELEC, sinasabing nangunguna pa rin ang dalawa at malayo sa kani-kanilang mga katunggali na sina Leni Robredo at Kiko Pangilinan.

Bukod kay Andrew E, isa rin sa kilalang artistang kasama ng UniTeam ay si Toni Gonzaga.

Si Cristy Fermin is a veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Read also

Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Kamakailan, isa rin sa mga pinuri ni Cristy Fermin ay si Angel Locsin. Inamin pa ni Cristy na talagang naluluha pa umano siya tuwing makikita si Angel na kasama ang ama nito.

Gayundin si Megastar Sharon Cuneta na kanyang binigyang puri rin dahil umano sa kilos nito na pang-edukadong tao talaga. Nakita raw ito sa campaign rally kung saan siya ang nagpakilala kay Maricel Soriano kahit na si presidential candidate Leni Robredo lang ang sinusuportahan 'di umano nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel