Cristy Fermin, todo-todo ang papuri sa kabutihan ni Angel Locsin
- Todo ang papuri ni Cristy Fermin sa aktres at pilantropo na si Angel Locsin
- Ito ay dahil sa wala umano itong pinipiling tao na tinutulungan kaya namang 'real-life Darna' raw talaga ito
- Aniya, naiiyak pa raw siya tuwing kasama ni Angel sa larawan o video ang ama nito na 'sinserong' inaaalagaan at minamahal ng aktres
- Maging si Morly ay nagbahagi ng karanasan niya kung saan hindi niya inaasahang matutulungan din siya ni Angel
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Talagang hanga umano si Cristy Fermin sa kabutihan ng aktres na si Angel Locsin.
Sa pinakabagong episode ng 'Showbiz Now Na!' todo-todo ang papuri ni Cristy kay Angel na ibinigay niyang halimbawa ng taong walang pinipili ng tinutulungan.
Nalaman ng KAMI na inamin pa ni Cristy na talagang naluluha pa umano siya tuwing makikita si Angel na kasama ang ama nito.
"'Pag nakikita ko sila ng father niya na magkatabi, naiiyak ako... Sinsero!" ayon pa sa batikang showbiz reporter.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Maging si Morly ay isa sa mga natulungan umano ni Angel at hindi niya ito inaasahang gayung aminado siyang hindi ganoon ka-close sa aktres.
"2008, nasunugan ako sa Parola. May liyab-liyab pa nga sa bahay, ansiyan na yung mga alaga ni Angel, hinahanap na ako. Nagulat ako noon kay Angel, may tulong e hindi naman kami close," pagbabalik-tanaw ni Morly sa mga kabutihang nagawa sa kanya ni Angel.
"Basta para po sa amin, napakabusilak po ng puso ni Angel Locsin. Bilang anak, bilang kapatid, bilang asawa, bilang artista, bilang kaibigan. Grabe!" Ani Cristy.
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa YouTube channel nila na 'Showbiz Now Na!':
Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”
Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa kabi-kabila niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.
Katunayan, isa si Angel sa tahimik na tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette na tumama sa bansa noong Disyembre 16.
Sa post ni Kris Aquino, nabanggit nito na ipinaabot ni Angel ang donasyon niya na nagkakahalaga ng P2 million kay Vice President Leni Robredo.
Source: KAMI.com.gh