Vice Ganda, binahagi ang kanyang bag raid kay Kelsey Merritt

Vice Ganda, binahagi ang kanyang bag raid kay Kelsey Merritt

- Binahagi ni Vice Ganda ang kanyang nakakaaliw na chikahan kasama ang international model na si Kelsey Merritt

- Wala itong ka-arte-arteng nakipagkulitan kay Vice Ganda na humiling din ng bag raid sa kanya

- Matatandaang isang linggong naging guest judge si Kelsey sa beauty contest segment ng It's Showtime

- Ani Kelsey, sobra niyang na-enjoy ang kanyang pagiging bahagi ng mga hurado ng It's Showtime

Ayon kay Vice Ganda, bilib sila ng kanyang mga co-hosts sa It's Showtime sa international model na si Kelsey Merritt. Sa kabila ng kasikatan nito ay wala umano itong kaarte-arte.

Vice Ganda, binahagi ang kanyang bag raid kay Kelsey Merritt
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Pinagbigyan niya ang hiling ni Vice Ganda na mag-bag raid. Karamihan sa kanyang mga gamit ay mga mamahalin at sosyalin ayon kay Vice. Masaya nitong nasasakyan ang mga biro ni Vice sa kanya.

Ani Vice Ganda, nagpapasalamat sila na kahit sobrang sikat nito ay pinagbigyan niya ang It's Showtime sa loob ng isang linggo. Isa si Kelsey sa naging judge ng beauty contest segment ng noontime show.

Read also

Francine Diaz, kinaaliwan sa kanyang pagiging fangirl sa K-drama star na si Kim Soo Hyun

Narito ang ilan sa komento ng netizens na nakapanood sa vlog ni Vice Ganda:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Thank you, Meme Vice! Super ganda talaga ni Kelsey! First and last runway ni Kelsey sa VS, iyon din yung final walk ni Adriana Lima. If VS decided to take back the angels sa runway fs, hope to see Kelsey ulit.
Grabe sobrang bait at down-to-earth ni Kelsey. I stan the right girl.
Sobrang ganda Ni Kelsey tama ung sinabi very charming din sya.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

Miss Global 2022, natupad ang pangakong korona na kanyang nasabi sa burol ng yumaong ina

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Matatandaang nasampolan si Vice Ganda ng 'physical hosting' nina Jhong Hilario at Vhong Navarro. Muling ginawa ng dalawang dating miyembro ng Streetboys ang dating ginagawa nila kay Vice Ganda at hindi ito napaghandaan ni Vice.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel