Francine Diaz, kinaaliwan sa kanyang pagiging fangirl sa K-drama star na si Kim Soo Hyun

Francine Diaz, kinaaliwan sa kanyang pagiging fangirl sa K-drama star na si Kim Soo Hyun

- Kabilang si Francine Diaz sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal

- Kabilang siya sa mga nagpunta sa Mall of Asia Arena para sumalo sa meet and greet event ng K-drama star

- Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star.

- Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinaaliwan si Francine Diaz sa kanyang pagiging fan girl sa It's Okay to Not Be Okay star na si Kim Soo Hyun. ito ay matapos niyang makaharap nang malapitan ang K-drama star.

Francine Diaz, kinaaliwan sa kanyang pagiging fangirl sa K-drama star na si Kim Soo Hyun
Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Sa kanyang IG story ay hindi nito napigilang ihayag ang kanyang kilig.

“Pag tumingin ba ko sayo akin ka na?”

Read also

James Reid, trending sa Twitter dahil sa bagong larawang kasama si Nadine Lustre

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang naging usap-usapan din si Francine nang mapansin siya ni Yoon Chan Young at na follow sa Instagram ni Ham Sung Min.

Narito ang ilan sa komento ng kapwa niya fangirl:

Ang saya nagkita kami sa Bench KIM Soo Hyun at MOA Arena ni Francine Diaz and Manager John Ling. Nice to see
Ang cute cute ni Francine Diaz mag fangirl. Pumunta pala siya sa event ni #KimSooHyun kahapon. Sana all ulit!
Mapang lamang rin mareng francine diaz eh Napaka swerte nalapitan si Kim Soo Hyun ko. ISANG MALAKING SANAOL@francinecarreld anong pakiramdam ng makita sa malapitan sa KimSooHyun?

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Read also

Francine Diaz, pinabilib si Darla Sauler sa kanyang pagiging organized

Kamakailan ay masayang binahagi ni Francine Diaz ang pagkakaroon niya ng mahigit 6 million followers sa Instagram. Sa kanyang IG post ay binahagi niya ang kanyang picture sa isang yate at hindi maitago ang kanyang kasiyahan.

Samantala, sa binahaging behind-the-scenes video ni Jayda Avanzado sa kanilang photoshoot kamakailan, marami ang naintriga. Dito makikita ang muling pagsasama nina Francine Diaz at Andrea Brillantes na nagkaroon ng isyu kamakailan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel