James Reid, trending sa Twitter dahil sa bagong larawang kasama si Nadine Lustre

James Reid, trending sa Twitter dahil sa bagong larawang kasama si Nadine Lustre

- Trending sa Twitter si James Reid matapos lumabas ng mga larawan nila ni Nadine Lustre

- Sinasabing nagkasama ang dalawa sa Mega Ball event ngayong Hunyo 12

- Dahil dito, marami sa kanilang mga fans ang kinilig nang makitang magkatabi muli ang dalawa

- Matatandaang Enero pa ng 2020 nang kumpirmahin ng JaDine ang kanilang paghihiwalay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mabilis na nag-trending si James Reid matapos na lumabas ang mga larawan nila ni Nadine Lustre.

James Reid, trending sa Twitter dahil sa bagong larawang kasama si Nadine Lustre
James Reid at Nadine Lustre (@stanfinally)
Source: Twitter

Nalaman ng KAMI na kuha ito sa Mega Ball event ngayong Hunyo 12 na dinaluhan ng dalawa.

Labis na natuwa ang mga JaDine fans nang makitang magkatabi muli sa iisang larawan ang dating love team at magkasintahan.

Matatandaang taong 2020 pa ng kumpirmahin ng dalawa ang kanilang hiwalayan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

11-anyos sa audience ng AGT, naging instant contestant at na-golden buzzer pa

Narito ang ilan sa mga naging komento ng netizens lalo na ang fans ng dalawa:

"Our #JaDine hearts are full"
"Grabe, parang naiiyak ako sa saya na magkasama ulit sila"
"JaDine come back na ba ito... Umaasa pa rin talaga ako"
"They still look good together. JaDine forever"

"Remember the tears we shed from their interview? the words expressed? they will always have a special place in each other's heart... i guess. i assume.

Samantala, narito ang ilan sa mga ibinahagi ng netizens na larawan na kuha sa nasabing Ball:

Si James Reid ay isa sa mga kilalang aktor sa Pilipinas. Produkto siya ng reality show na Pinoy BIg Brother at paglabas nga ng bahay ni Kuya, sunod-sunod na rin agad ang kanyang mga naging proyekto.

Nakilala rin si James sa love team nilang JaDine ni Nadine Lustre na natuldukan noong 2020.

Maraming fans ang umano'y nasaktan sa desisyon ng kanilang iniidolong love team subalit nirespeto naman nila ang hiwalayan ng mga ito.

Read also

Ruffa Gutierrez, binahagi ang nakakaantig na pagtatagpo ng mga anak niya at ng dating asawa

Sa ngayon abala si James sa paghahawak ng career ng aktres na si Liza Soberano. Sinasabing noong June 1, opisyal na nagsimula ang pagiging isa sa manager ni Liza si James gayung noong Mayo 31 naman nagtapos umano ang kontrata nito kay Ogie Diaz.

Matatandaang madalas na magkasama ang dalawa sa Amerika iyon pala ay dahil sa mga posibleng mga proyekto ni Liza bilang si James naman ang isa sa mga magpapatakbo ng cereer niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel