Ruffa Gutierrez, binahagi ang nakakaantig na pagtatagpo ng mga anak niya at ng dating asawa

Ruffa Gutierrez, binahagi ang nakakaantig na pagtatagpo ng mga anak niya at ng dating asawa

- Binahagi ni Ruffa Gutierrez ang nakakaantig na tagpo nang muling magkita ang kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice a ang kanilang amang si Yilmaz Bektas

- Matapos ang 15 taon ay muling nagkita ang mag-aama mula nang umuwi sa Pinas sina Ruffa

- Kasama din nila sa isang picture ang isa pang anak ni Yilmaz na si Ilknaz na naging malapit din noon kay Ruffa

- Marami ang naantig sa video na binahagi ni Ruffa sa TikTok na sa kasalukuyan ay mahigit dalawang milyon na ang views

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinakita ni Ruffa Gutierrez ang nakakaantig na tagpo ng muling pagkikita ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice kasama ang kanilang amang si Yilmaz Bektas. 15 taon silang hindi nagkasama matapos umuwi ng mag-iina sa Pilipinas.

Ruffa Gutierrez, binahagi ang nakakaantig na pagtatagpo ng mga anak niya at ng dating asawa
Photo: Ruffa Gutierrez (@iloveruffag)
Source: Instagram

Sa post ni Ruffa ay ginamit niya ang mga hashtags na #NewBeginnings at #TogetherAgain.

Read also

11-anyos sa audience ng AGT, naging instant contestant at na-golden buzzer pa

The greatest love story of all time is between a father and his daughters. ❤️ A beautiful and heartwarming reunion after 15 years of being apart. #NewBeginnings #TogetherAgain #Yilmaz #Ilknaz #Lorin #Venice

Nakalagay din sa hashtags ang pangalan ng isa pang anak ni Yilmaz na si Ilknaz. Matatandaang itinuring ni Ruffa na parang sarili niyang anak si Ilknaz noong naroroon pa sila sa Turkey.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Makikita sa video ang mahigpit na yakapan ng mag-aama nang sunduin ni Yilmaz ang mga anak sa airport.

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Anak siya ng mga batikang artista na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant. Nabiyayaan siya ng dalawang anak na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran sa dati niyang asawang si Yilmaz Bektas.

Read also

Skusta Clee, iniba na ang lyrics ng kanyang kantang "Zebbiana"

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Sa isang episode ng "It's Showtime kamakailan ay naitanong ni Vhong Navarro si Chie Filomeno kung kamusta ito. Naibhagi ni Chie na nakwento niya kay Ruffa na magsusuot siya ng sneakers. Kinawindang naman ng netizens ang naging rebelasyon ni Ruffa tungkol sa umano'y presyo ng naturang sapatos na suot ni Chie.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel