Miss Global 2022, natupad ang pangakong korona na kanyang nasabi sa burol ng yumaong ina

Miss Global 2022, natupad ang pangakong korona na kanyang nasabi sa burol ng yumaong ina

- Natupad ni Shane Quintana Tormes ang pinangakong korona sa kanyang inang namayapa na

- Sa isang video, makikitang nasambit ni Shane ang pangako sa ina na maiuuwi niya ang korona para sa Pilipinas

- At natupad nga ito bilang siya ang tinanghal na pinakabagong Miss Global 2022 na ginanap noong Hunyo 11

- Bukod sa nakamit na titulo, siya rin ang itinanghal na Miss Talent

Marami ang natuwa para kay Shane Quintana Tormes nang tanghalin siya bilang Miss Global 2022 na ginanap sa Bali, Indonesia nitong Hunyo 11.

Miss Global 2022, natupad ang pangakong korona na kanyang nasabi sa burol ng yumaong ina
Miss Global 2022,Shane Quintana Tormes (@shaneytormes)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bukod sa isa na naman itong karangalan sa bansa, naisakatuparan din niya ang pangako sa kanyang ina na yumao na.

Sa video na ibinahagi ng Entertainment News Portal, mapapanood ang mensahe ni Shane sa ina sa burol umano nito noong Disyembre 2021.

Read also

11-anyos sa audience ng AGT, naging instant contestant at na-golden buzzer pa

"Tutuparin ko yung dream nating dalawa, iuuwi ko ang korona para sa PILIPINAS mama," ang nasabi ni Shane.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa isang post din ng beauty queen, idinetalye niya ang pagkawala ng ina na dahil umano sa pakikipaglaban nito sa cancer.

"Mama, we made it here! We dreamt of this together and as promised I will bring you here with me. I remember you today, always and everyday. It’s been six months without being able to hug, cuddle and kiss you. But it has been six months also of you being Cancer free and just enjoying God’s paradise. This is all for you my Angel. I know your just here. I feel you Mama."

Bukod sa Miss Global 2022, nagwagi rin si Shane bilang Miss Talent.

Isa rin sa pinakaaabangan ngayon ay ang beauty pageant journey ni Herlene "Hipon Girl" Budol. Matatandaang isa si Herlene ay contestant number 8 ng Binibining Pilipinas 2022.

Read also

Troy Montero at Aubrey Miles, kinasal na sa isang civil wedding ceremony

Suportado siya ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na siyang manager din ni Madam Inutz.

Bukod sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas, abala rin si Herlene sa kanyang negosyo. Subalit sa kabila ng mga tagumpay na ito, muling sinubok ng tadhana si Herlene sa biglaang pagkakasakit at pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola na siyang nag-aruga rin sa kanya.

Aminadong hirap si Herlene sa pagkamtay ng kanyang 'Nanay Bering' lalo na at number one fan daw niya ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel