Troy Montero at Aubrey Miles, kinasal na sa isang civil wedding ceremony

Troy Montero at Aubrey Miles, kinasal na sa isang civil wedding ceremony

- Kinasal na sina Troy Montero at Aubrey Miles sa isang civil wedding ceremony

- Ito ay ayon sa showbiz reporter na si Gretchen Fullido at naibahagi din ng dalawa ang ilang pictures at videos na kuha sa kanilang kasal

- Matatandaang nitong Marso lang ng kasalukuyang taon naganap ang pag-propose ni Troy kay Aubrey na kanyang partner sa loob ng 18 na taon

- Naging magkarelasyon sila noong 2003 at nabiyayaan ng dalawang anak na sina Hunter Cody Sandel Miller at Rocket Miller

Kinasal na sina Troy Montero at Aubrey Miles sa isang civil wedding ceremony ngayong araw. Matatandaang nitong Marso lang ng kasalukuyang taon naganap ang pag-propose ni Troy kay Aubrey na kanyang partner sa loob ng 18 na taon.

Troy Montero at Aubrey Miles, kinasal na sa isang civil wedding ceremony
Aubrey Miles and Troy Montero (@milesaubrey)
Source: Instagram

Sa binahaging Instagram post ng Showbiz reporter na si Gretchen Fullido, ikinasal ang dalawa sa isang civil ceremony at si Mandaluyong Mayor Carmelita “Menchie” Abalos ang nagkasal sa kanila.

Read also

Lara Quigaman, nalungkot na ginagawang katatawanan ang mga hiwalayan

Bukod sa kanilang mga Instagram stories ay wala pang naibabahaging pictures ang mag-asawa sa kanilang social media posts.

Matatandaang naunang naudlot ang kanilang planong pagpapakasal dahil sa pandemya. Sa kanilang vlog ay naibahagi nilang sa Batanes dapat gaganapin ang kanilang kasal noong April 23, 2020.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matapos ang naudlot na plano, napag-isip-isip nilang maaring civil wedding na sila ikakasal.

“Everyone has his own reason for getting married, and for us, I was thinking, 'No, we don't need to do a civil [wedding] during the pandemic.' But now that I think about it, maybe, maybe there's a chance. I think it could possibly happen," ani Troy.

Nagmula ang stage surname ni Aubrey sa "Miles Away" na awitin. Nakilala siya sa kanyang mapangahas na mga pagganap sa mga pelikula. Ang kanyang karelasyong si Troy Montero ang ama ng kanyang dalawang anak na sina Hunter Cody Sandel Miller at Rocket Miller.

Read also

SUV driver sa umano'y viral hit-and-run sa sekyu ng Mandalauyong, kakasuhan na

Si Aubrey Miles ay kilala bilang isa sa mga celebrities na mahilig sa pag-aalaga ng halaman o maituturing na "plantita." Sa katunayan, ginawa niya rin itong negosyo at nakapagpundar siya ng lote mula sa kanyang pagbebenta ng halaman.

Matatandaang kamakailan lang ay binahagi ng mag-asawa ang tungkol sa kalagayang ito ng kanilang anak na si Rocket. marami ang humanga sa mag-asawa dahil sa kanilang pagbabahagi ng kaaalaman tungkol sa mga kagaya nilang magulang na may anak na mayroong ASD.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel