Lara Quigaman, nalungkot na ginagawang katatawanan ang mga hiwalayan

Lara Quigaman, nalungkot na ginagawang katatawanan ang mga hiwalayan

- Kinalungkot ni Lara Quigaman ang mga lumalabas na memes at jokes kung saan ginagawang katatawanan ang paghihiwalay ng mga sikat na mga magkarelasyon

- Aniya, marami sa mga tao ang naghihintay na maghiwalay ang ilan sa mga sikat na mga mag-asawa

- Binahagi niya rin na umiyak ang kanyang mister na si Marco Alcaras sa kanilang kasal at dalawang beses pa umano ito

- Nagbigay din siya ng payo sa mga mag-asawang may matinding pinagdadaanan na manalig lang sa Panginoon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inalmahan ni Precious Lara Quigaman ang mga memes at jokes sa tuwing may maghihiwalay na mga sikat na magkarelasyon. Binahagi niya rin na umiyak ang kanyang mister na si Marco Alcaras sa kanilang kasal at dalawang beses pa umano ito.

Lara Quigaman, nalungkot sa mga ginagawang memes kaugnay sa mga hiwalayan
Photo: Lara Quigaman (@laraquigaman)
Source: Instagram

Nagbigay din siya ng payo sa mga mag-asawang may matinding pinagdadaanan na manalig lang sa Panginoon.

Read also

Nora Aunor, pinagdiwang ang kaarawan kasama ang mga anak at mga apo

For those who are going through challenges in their married life- God is gracious, give your frustrations and heartaches to Him. Nothing is too broken for Him to restore and make whole again, nothing too impossible for Him to fix... seek Him, cry out to Him. He answers... I am praying with you tonight

Aniya, maging ang 12 taong pagsasama nila ni Marco ay hindi nila kinakaligtaang ipagdasal ang kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marriage is not easy. Marco and I have been married for almost 12 years- but we always pray and ask God to cover our relationship, we pray that we will never be complacent and think we are alright when we are not. We are not perfect and we know that there will be temptations and challenges all the time and we can only rely on God's grace to keep us from falling and failing.

Read also

Ian Veneracion, hinangaan sa kanyang payo sa mga anak na lalaki

Si Precious Lara San Agustin Quigaman-Alcaraz ay isang Pinay actress, multi-product endorser at isa ding beauty queen na nanalo bilang Miss International 2005 na ginanap sa Tokyo, Japan. Siya ang ikaapat na Pinay na nakasungkit ng korona sa naturang pageant. Bago manalo bilang Miss International ay sumali si Lara sa Binibining Pilipinas nang dalawang beses.

Matatandaang isa si Lara sa mga personalidad na naghayag ng kanilang pagsuporta sa kandidatura ni dating VP Leni Robredo. Nang lumabas ang resulta ng halalan ay sinabi ni Lara na proud siya na pinanindigan niya ang sa tingin niya ay tama. Ayaw na umano niyang pahirapan ang sarili sa pag-iisip kaugnay sa resulta ng eleksiyon.

Kamakailan ay naibahagi ng beauty queen ang kanyang pananaw kaugnay sa masayang pagsasama ng mag-asawa. Aniya, dapat ay parehong masaya ang mag-asawa sa kanilang pagsasama. Dapat aniya ay parehas na nagbibigay ng kanilang makakaya para mapanatiling masaya at matatag ang pagsasama.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel