Nora Aunor, pinagdiwang ang kaarawan kasama ang mga anak at mga apo

Nora Aunor, pinagdiwang ang kaarawan kasama ang mga anak at mga apo

- Inihayag ni Nora Aunor ang kanyang kasiyahan na nakasama niya ang kanyang mga anak at mga apo

- Ito ay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakailan kasama ang mga taong malalapit sa kanya

- Kabilang sina Matet at Ian De Leon sa mga nakasama niya sa kanilang simpleng selebrasyon

- Aniya, halos limang araw silang nagkasama sa Bicol at lubos niyang pinagpasalamat na nakasama niya ang kanyang mahal sa buhay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binahagi ni Nora Aunor ang isang video sa kanyang YouTube channel na kuha sa naging pagdiriwang nila ng kanyang kaarawan. Masaya siyang muli niyang nakasama ang mga anak at ang kanyang mga apo.

Nora Aunor, pinagdiwang ang kaarawan kasama ang mga anak at mga apo
Nora Aunor attends "Thy Womb" Premiere during The 69th Venice Film Festival at the Palazzo del Cinema on September 6, 2012 in Venice, Italy. (Photo by Dominique Charriau/WireImage)
Source: Getty Images

Kabilang sina Matet at Ian De Leon sa mga nakasama niya sa kanilang simpleng selebrasyon. Aniya, halos limang araw silang nagkasama sa Bicol at lubos niyang pinagpasalamat na nakasama niya ang kanyang mahal sa buhay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Read also

Ellie Ejercito, kinabiliban matapos nitong piliing sumama sa pagpupulot ng basura kesa mamasyal

Bukod sa mga anak at apo, nakasama din umano niya ang kanyang malalapit na kaibigan. Aniya, aliw na aliw siya sa kanyang mga apo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami naman sa kanyang mga tagasuporta ang masaya para sa kanilang idolo:

Happy to see my idol, Nora Aunor, happy with her children and grandchildren. Enjoy lang nating lahat ang bawat araw dhil minsan di natin alam wala n mga mahal natin sa buhay. More power to you, all.
I'm so happy nandyan ang yong apat na anak..God bless you , children and apos..Enjoy your day with families..
So kind of her children, granchildren and her friends to come and share their love with her. Noranians far and wide feel their sincere love and are so gratified. Happy birthday to you our one and only Superstar. May our kind Lord continue to provide you and all those who you love with over flowing graces.

Read also

Rocky Salumbides, binahagi ang kanyang bagong karelasyon

Si Nora Aunor o Nora Cabaltera Villamayor ay sumikat sa mundo ng showbiz hindi lamang sa husay niya sa pag-arte kundi maging sa kanyang pag-awit. Naging film producer na rin siya kinalaunan. Nakilala siya sa bansag na "Superstar" at isinusulong ng marami na maging National Artist.

Matatandaang naging usap-usapan ang isyu sa kanila ng kanyang mga anak na naging dahilan ng pagkakabatikos ng kanyang anak. Hindi pinalampas ni Matet de leon ang mga nambatikos sa kanilang magkakapatid.

Samantala, nauna nang binuweltahan ni Lotlot de Leon ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post kaugnay sa lumabas na balita at litrato na nagsasabing hindi siya kasama sa mga kapatid niya na pumunta sa kanilang inang si Nora Aunor. Ayon sa netizen na nagkomento, masyado na umanong tinitiis ni Lotlot ang ina gayong ito ang umampon sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel