Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

- Naging emosyonal si Ian de Leon sa kanyang live stream video na ibinahagi sa kanyang YouTube channel

- Ito ay kaugnay sa isyu tungkol sa umano'y hindi niya pagsipot sa dinner na inihanda ng inang si Nora Aunor para sa kanya

- Inihayag niya ang tunay niyang nararamdaman kaugnay sa isyu at sa lumabas na write-up tungkol sa kanya

- Aminado siyang nadismaya siya dahil mas gusto niya sanang maging pribado ang kanilang pagkikita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal na nagbahagi ng kanyang saloobin si Ian de Leon kasunod ng pagputok ng kontrobersiyang iniuugnay sa kanya.

Sa kanyang YouTube live stream ay ikinuwento ni Ian ang tungkol sa naging pag-uusap nila ng kanyang inang si Nora Aunor.

Natuwa umano siya nang tumawag ang kanyang ina dahil sa loob ng ilang taon ay hindi sila nakakapag-usap. Hindi niya mapigilang maging emosyonal nang sabihing mahal niya ang ina at hindi magbabago iyon.

Matet at Lotlot de Leon, Nagpahayag ng pagsuporta kay Ian de Leon
Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

Photo from Ian de Leon (ian_de_leon_official)
Source: Instagram

Aniya, kaya niya napagpasyahang magsalita tungkol sa isyu ay dahil hindi niya na nagugustuhan ang mga sinasabi laban sa kanya ng mga taong hindi naman umano sila kilala nang lubusan.

Sa kabila ng pagiging kabilang sa angkan na kilala sa showbiz industry, mas pinipili umano nila ng kanyang pamilya na maging pribado.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento niya, kinabukasan matapos silang magkausap ni Nora, ipinagpaalam umano ng ina niya kung maari niyang i-vlog ang kanilang pagkikita.

Hindi ito nagustuhan ni Ian dahil nais niya ay maging pribado ang tungkol sa pangyayari sa kanilang pamilya. Ayaw niyang may ibang taong nanonood habang nagyayakapan sila ng ina.

Tinanong din siya umano ng ina niya kung ayos lang sa kanya kung papuntahin niya ang isang taong hindi niya pinangalanan.

Tinapat niya ang ina na hindi siya komportable na naroroon ang nasabing tao.

Kiray Celis, sinorpresa ng boyfriend sa kanilang 1st anniversary

Nilinaw naman niya na hindi niya gustong sirain ang ina bagkus, gusto lamang lang niyang linawin ang mga bagay-bagay.

Isa lang ang hiling ni Ian, ang maging Nora Cabaltera Villamayor siya sa kanilang pamilya at hindi si Nora Aunor.

Matatandaang nag-ugat ang isyu nang lumabas ang isang write-up tungkol sa hindi niya pagsipot sa inihandang dinner ng ina para sa kaarawan niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ian de Leon ay isang Pinoy actor na anak ng batikang aktor na si Christopher de Leon at Nora Aunor. Nakilala siya sa pagganap bilang Commander Zion sa Zaido at lead role sa kanyang pelikulang Halimaw.

Matatandaan na inalmahan ng magkakapatid na Matet, Ian at Lotlot ang bintang na pinabayaan nila ang kanilang ina.

Naging isyu din na hindi nakadalo si Nora sa kasal ni Lotlot sa asawa nitong Lebanese businessman na si Fadi El Soury. kaya naman inihayag niya ang kanyang saloobin hinggil sa lumabas na mga haka-haka.

Dating child star na si Maybelyn Dela Cruz, tinamaan ng COVID

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel