Chad Kinis, nais na pasikatin ang singer na si Calyxto Mix; "Apakahusay mo!"

Chad Kinis, nais na pasikatin ang singer na si Calyxto Mix; "Apakahusay mo!"

- Nais na sumikat ni Chad Kinis ang singer na si Calyxto Mix

- Ibinahagi ni Chad ang video ng singer at umabot na rin ito ng mahigit 2 million views sa YouTube

- Mapapansin kasi na sa kabila ng kapansanan nito, napakahusay pa rin nitong umawit

- Kilala si Chad sa pagiging matulungin at isa sa mga saksi ng kanyang kabutihan ay si Ogie Diaz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nanghihikayat si Chad Kinis na pasikatin umano ang singer na si Calyxto Mix.

Chad Kinis, nais na pasikatin ang singer na si Calyxto Mix; "Apakahusay mo!"
Chad Kinis (@chadkinis)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ibinahagi pa ni Chad ang video ni Calyxto na kumakanta ng "Pagsamo" ni Arthur Nery.

pasikatin natin to! Sumosobra ka na Calyxto Mix! Apakahusay mo!

Mapapansin na sa kabila ng cleft palate nito, napakahusay pa rin nitong umawit.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Cristy Fermin, idinetalye ang mga umano'y huling sandali ni Susan Roces sa ospital

Maging ang mga netizens ay namangha sa talento ni Calyxto kaya naman umabot na sa mahigit 2 million views ang video na ibinahagi ni Chad sa kanyang social media.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na namangha kay Calyxto:

"I close my eyes to hear him singing, amazing, the enunciation of words, the lyrics of the song were clearly pronounced, the talent was beyond thus exceeded my expectations,galing mo Po"
"Napakaaagaling prang wlang kapansanan. Eto dapat ang pinapasikat. Kahit sa kabila ng kanyang kondisyon. Maiintindihan mo bawat lyrics ng kanta take note my pa bali pa. Salute"
"Wala talaga yan sa kapansanan ng tao talented talaga siya...gift ni Lord Yan kaya kailangan ipakita, Kahit ano pa Ang Mukha mo.. Nagiging gwapo baka sa talent mo. God bless you."
"Soo proud of you sir. ang galing naman, subrang talent binigay ni LORD sayo, gamitin nyo po yan to make u better person"

Read also

Sir Wil sa 'di pagpapatuloy ni Madam Inutz sa PBB: "Kinomply ko lang at pinabalik ko siya"

Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung saan kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel. Kasalukuyan na silang mayroong 1.97 million subscribers.

Kilala rin si Chad sa kabutihan ng kanyang puso namakatulong sa mga taong nangangailangan.

Katunayan, naiabahgi ni Ogie Diaz na isa umano si Chad sa mga consistent na nagbibigay ng tulong sa kanilang Dugong Alay, Dugtong buhay at Kasuso Foundation.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel