Sir Wil sa 'di pagpapatuloy ni Madam Inutz sa PBB: "Kinomply ko lang at pinabalik ko siya"

Sir Wil sa 'di pagpapatuloy ni Madam Inutz sa PBB: "Kinomply ko lang at pinabalik ko siya"

- Naglabas ng pahayag ang manager ni Madam Inutz kaugnay sa pagpapahintulot niyang bumalik si Madam Inutz sa Pinoy Big Brother house

- Aniya, hindi na niya ito papayagang umabot pa sa grand finals at mayroon umano siyang malalim na dahilan

- Aniya, nag-comply lamang siya sa pagpapabalik ng show kay Madam Inutz

- Nagkataon ding si Brenda Mage na ang nanalo sa kanilang task kaya't siya na ang pumasok sa Biga10 housemate ng Kumunity Season 10

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naglabas ng pahayag ang manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino kaugnay sa hindi na pagpapatuloy pa ng kanyang alaga sa grand finals ng Pinoy Big Brother Kumunity season 10.

Sir Wil sa 'di pagpapatuloy ni Madam Inutz sa PBB: "Kinomply ko lang at pinabalik ko siya"
Wilbert Tolentino (@sirwil75)
Source: Instagram

Matatandaang kamakailan, isa si Madam Inutz sa wild card entry kasama si Brenda Mage mula sa celebrity edition.

Ayon kay Wilbert, nag-comply lamang umano siya bilang professional manager kaya't pinahintulutan niyang mag-appearance muli si Madam Inutz sa nasabing programa.

Read also

Julia Montes, pinakita ang mga natanggap na handwritten letters mula kay Susan Roces

Subalit tila may hugot si 'Sir Wil' kung bakit hindi na niya hahayaan pang makarating ng grand finals ang kanyang alaga.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Malungkot ko sasabihin na indi ko cya ilalaban etong PBB BIGA10 GRAND FINALS. dahil may mga rason at sapat na dahilan ako kaya nag post ako ng Anunsyo na indi ko na cya ilalaban etong Grand Finals. ngunit indi ko na e disclose sa Social media etong lalim na dahilan dahil lahat tayo may iba't ibang pananaw sa buhay at sa pag comment. good or bad minsan malaking impact ang isang commento. Miss Universe 2015 once said "THINK BEFORE U CLICK"

Mayroon din itong nasabi patungkol umano sa kayang gawin ng isang network sa artista.

"Ang isang NETWORK kaya nila pasikatin at e build ang isang ARTIST, pero tatandaan nyo rin may capacidad din sila PABAGSAKIN at tapucin din ang karir ng isang ARTIST kung indi na nila pakikinabangan. You are smart enough to figure things out sa mga nakaka basa ng Statement ko."

Read also

Sen. Grace Poe sa sanhi ng pagkamatay ni Susan Roces; "Bumigay po ang kanyang puso"

Gayunpaman, labis pa rin ang pasasalamat niya Star Magic at sa lahat ng mga sumusuporta kay Madam Inutz mula nang pasukin niya ang mundo ng showbiz.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento kanyang pagsisikap.

Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity edition kung saan pasok siya sa Final 5.

Nang makalabas sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel