Designer na si Jojo Bragais, may pasaring tungkol sa di pag-acknowledge sa kanya

Designer na si Jojo Bragais, may pasaring tungkol sa di pag-acknowledge sa kanya

- Matapos ang kanyang pag-post ng pictures na kuha sa unveiling ng wax figure niya sa Singapore, bumhos ang pagbatai para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray

- Si Catriona ang pangatlong Pilipino na ginawan ng wax figure ng Madame Tussauds kasunod nina Pia Wurtzbach at Manny Pacquiao

- Naging usap-usapan naman ang Facebook post ng shoe designer na si Jojo Bragais kasunod ng nilabas ng post ni Catriona kung saan pinasalamatan niya ang glamteam niya at ang nag-desinyo ng kanyang gown na si Mak Tumang

- Ani Bragais, kahit hindi na siya magustuhan pero sana ay mabigay sa kanya ang respeto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging-usap-usapan ang Facebook psot ng shoe designer na si Jojo Bragais kasunod ng post ni Catriona Gray ng kanyang pictures na kuha sa unveiling ng wax figure niya sa Singapore. Si Bragais ang nagdisenyo ng sapatos na sinuot ni Catriona nang manalo siyang Miss Universe.

Read also

Alex Gonzaga, ginaya ang pagkanta ni Toni Gonzaga ng Roar

Designer na si Jojo Bragais, may pasaring tungkol sa di pag-acknowledge sa kanya
Miss Universe 2018 Catriona Gray (@catriona_gray)
Source: Instagram

Sa kanyang post, sinabi ni Bragais na kahit hindi na siya magustuhan pero sana ay mabigay sa kanya ang respeto. Marami sa netizens ang nagbanggit ng pangalan ni Catriona kaugnay sa isyung ito kahit walang binabanggit na pangalan ang sho designer.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami din kasi ang nakapansin sa post ni Catriona kung saan pinasalamatan niya si Mak Tumang na siyang lumikha ng kanyang iconic na lava gown. Bukod kay Tumang, pinasalamatan niya din ang kanyang glam team. May iilang napatanong kung bakit hindi kasama ang pangalan ni Bragais sa kanyang pinasalamatan.

Si Catriona ang pangatlong Pilipino na ginawan ng wax figure ng Madame Tussauds kasunod nina Pia Wurtzbach na nanalo bilang Miss Universe 2015 at ng boxing champion na si Manny Pacquiao.

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe noong 2018.

Read also

Kapamilya comedian, umaming trabaho ang pangangampanya sa UniTeam

Habang papalapit na ang coronation night ng Miss Universe 2020, isa si Catriona Gray sa mga personalidad na iniintriga dahil sa kakulangan umano ng suporta nito sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Isang araw bago ang National Costume competition ay nag-tweet si Catriona na nagpapakita ng suporta kay Rabiya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate