Kylie Padilla, pinalakpakan ng mga lodi sa larangan ng billiards

Kylie Padilla, pinalakpakan ng mga lodi sa larangan ng billiards

- Ibinahagi ni Kylie Padilla sa kanyang Instagram post ang kanyang picture at video kasama ang mga bihasa sa larangan ng billiards

- Sa kanyang pag-eensayo para sa kanyang bagong proyekto, nakasama niya sina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante, Rubilen Amit at Johann Chua

- Sa isang video ay nagpakitang gilas si Kylie at napapalakpak ang mga kampeyon sa billiards nang naipasok ni Kylie ang isang trick shot

- Ang pag-aaral ni Kylie ng billiards ay paghahanda niya para sa upcoming series niyang “Bolera” kasama si Ruru Madrid

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinabiliban si Kylie Padilla sa pinakita niyang husay sa billiards habang inaaral niya pa lamang ito. Sa kanyang pag-eensayo para sa kanyang bagong proyekto, nakasama niya sina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante, Rubilen Amit at Johann Chua.

Kylie Padilla, pinalakpakan ng mga lodi sa larangan ng billiards
Kylie Padilla (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Sa isang video ay sinubukan ni Kylie ang isang trick shot na kanyang napagtagumpayang naipasok. Pinalakpakan siya ng mga lodi sa bilyar at napa-high five pa sa kanya si Reyes.

Read also

Dating child star na si Rhed Bustamante, agaw-pansin ang ganda

Ang pag-aaral ni Kylie ng billiards ay paghahanda niya para sa upcoming series niyang “Bolera” kasama si Ruru Madrid.

Marami sa mga netizens ang lalong bumilib kay Kylie. Ilan sa kanila ay humanga sa dedikasyon niya sa kanyang trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pati ang Billiard Legend Efren Bata Reyes Napa Wow! Iba talaga ang Kylie Padilla!
Wow special participation p ata cna idol Bata at sir Django sa Bolera ah mas lalong maganda to! excited n kmi Joni.
Bagay talaga sa iyo ang mga action movies!

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Read also

Juliana Parizcova sa kanyang bashers: "Mukhang mahihirapan kayong asarin ako"

Matatandaang naunang lumabas ang balitang nagkakaproblema sina Kylie at asawa nitong si Aljur Abrenica. Nanatiling tahimik si Kylie kaugnay sa isyu ngunit sa isang panayam ay inamin ni Aljur na sinusubukan nilang ayusin ang kanilang pagsasama.

Hindi na nila naayos ang kanilang problema at naibahagi ni Robin Padilla sa isang panayam na hiwalay na sina Kylie at Aljur at inamin din nitong 3rd party ang dahilan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel