Dating child star na si Rhed Bustamante, agaw-pansin ang ganda

Dating child star na si Rhed Bustamante, agaw-pansin ang ganda

- Marami ang nakapansin sa glow-up ng dating child star na si Rhed Bustamante base sa kanyang mga Instagram posts

- Hindi man ito aktibo sa showbiz sa kasalukuyan, marami pa rin sa kanyang mga supporters ang sumusubaybay sa kanya

- Matatandaang huling napanood si Rhed sa action series ni Coco Martin na FPJ's Ang Probinsyano

- Tinulungan siya ni Coco na makabalik sa showbiz matapos maghirap ang kanilang pamilya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Huling napanood si Rhed Bustamante sa FPJ's Ang Probinsiyano matapos siya tulungan ni Coco Martin. Matapos ang mahigit tatlong taon, agaw-pansin sa social media ang kanyang transformation.

Dating child star na si Rhed Bustamante, agaw-pansin ang ganda
Rhed Bustamante (@rhedbustamante_)
Source: Instagram

Matatandaang sa isang panayam sa TV Patrol, ayon kay Coco, naniniwala siya sa oportunidad na ibinibigay sa mga tao. Lalo na umano sa kagaya ni Rhed na napaka talented.

Read also

Juliana Parizcova sa kanyang bashers: "Mukhang mahihirapan kayong asarin ako"

Dalagang-dalaga na ang dating child star at marami sa mga netizens ang nakapansin sa kagandahan nito. Hindi man masyadong aktibo sa showbiz, nasusubaybayan ng kanyang mga followers si Rhed sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

Narito ang ilan sa kanyang mga recent na pictures:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rhed Bustamante ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang award winning child star. Sa ibinahaging kwento ng buhay ni Rhed sa programang "Rated K" ni Korina Sanchez, naging matumal ang kanyang trabaho at kinalaunan nga'y nawalan ng projects si Rhed kaya hindi niya na matulungan ang kanyang pamilya at nalugmok sa kahirapan.

Ilan sa mga palabas na kanyang kinabilangan ay ang GMA primetime soap na Endless Love noong 2010 at sa Kapamilya serye na FlordeLiza noong 2015. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay ang pelikulang “Seklusyon” (2016), “The Amazing Praybeyt Benjamin” (2014), at Maria Leonora Teresa (2014).

Read also

Cristy Fermin, naikwento ang reaksyon ng lola ni Jake Zyrus sa bagong larawan nito

Dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Seklusyon, nagkaroon ng Best Actress nomination ang noon ay siyam na taong gulang pa lamang na child star.

Matatandaang sa kanyang salaysay kay Korina, napalayas umano sila sa inuupahang bahay matapos nilang maputulan ng kuryente at hindi nakabayad ng renta. Upang makatulong sa pamilya, nagtinda sa may riles ng tren si Rhed.

Matatandaang kasunod ng paglabas ng kanyang kwento ay tinulungan siya ni Coco Martin na makapasok sa FPJ's Ang Probinsiyano.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel