Dating child star na si Rhed Bustamante, nagtitinda na lang sa may riles ng tren

Dating child star na si Rhed Bustamante, nagtitinda na lang sa may riles ng tren

- Marami ang naatig sa sinapit ng dating child star na si Rhed Bustamante

- Ito ay matapos i-feature ni Korina Sanchez ang kanyang buhay ngayon sa kanyang program

- Kilala si Rhed sa kanyang mga natatanging pagganap sa pelikula at teleserye

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi sa programang Rated K ni Korina Sanchez ang buhay ngayon ng dating award winning child star na si Rhed Bustamante. Naging matumala at kinalaunan nga'y nawalan ng projects si Rhed kaya hindi niya na matulungan ang kanyang pamilya at nalugmok sa kahirapan.

Ilan sa mga palabas na kanyang kinabilangan ay ang GMA primetime soap na Endless Love noong 2010 at sa Kapamilya serye na FlordeLiza noong 2015. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay ang pelikulang “Seklusyon” (2016), “The Amazing Praybeyt Benjamin” (2014), at Maria Leonora Teresa (2014).

Sa kanyang salaysay kay Korina, napalayas umano sila sa inuupahang bahay matapos nilang maputulan ng kuryente at hindi nakabayad ng renta. Gayunpaman, patuloy ang pagsisikap ni Rhed at ng kanyang pamilya na ngayon ay nasa Meycauyan, Bulacan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Katuwang siya ngayon ng ina sa pagtitinda sa may riles ng tren sa Sampaloc, Manila. Lalo silang nahirapan dahil hindi makapagtrabaho ang mekanikong ama dahil sa sakit nito sa baga.

“Mahirap po isipin kasi ganu’n talaga ang buhay po. Minsan hindi ko na rin alam kung anong gagawin para makatulong sa pamilya ko po,” paglalahad ni Rhed.

Tinanong siya ni Korina kung nais niyang makabalik na muli sa pag-aartista.

“Opo, opportunity rin po kasi yun para medyo makaraos po. Wish ko po may makatulong sa akin para sa pag-aaral naming tatlong magkakapatid. At saka siyempre kailangan lagi mag-pray kay Lord.”

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel