Cristy Fermin, naikwento ang reaksyon ng lola ni Jake Zyrus sa bagong larawan nito

Cristy Fermin, naikwento ang reaksyon ng lola ni Jake Zyrus sa bagong larawan nito

- Naibahagi ni Cristy Fermin ang reaksyon ng lola ni Jake Zyrus na si Tess Pineda sa mga bagong larawan ng apo

- Nakakausap pa raw niya ito at isa sa mga nabanggit sa kanya ay ang pagkalungkot sa pagbabagong anyo ng apo

- Naikwento rin ni Cristy ang hirap at sakripisyo ni Lola Tessie sa kanyang apo na noo'y si Charice pa na sumasali sa mga singing contest

- Nakalulungkot din daw umano na hindi pa rin magkakasundo sina Jake, ang ina nitong si Raquel at si Lola Tess

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naikwento ni Cristy Fermin sa kanyang bagong YouTube channel kasama sina Romel Chika at Morly Alinio na 'Showbiz Now Na' ang reaksyon umano ng lola ni Jake Zyrus sa bago nitong larawan.

Cristy Fermin, naikwento ang reaksyon ng lola ni Jake Zyrus sa bagong larawan nito
Cristy Fermin, naikwento ang reaksyon ng lola ni Jake Zyrus sa bagong larawan nito
Source: UGC

Matatandaang kamakailan ay gumawa ng ingay online ang bagong larawan ni Jake kung saan ipinakita na niya ang pagbabago sa kanyang dibdib.

Read also

Angeline Quinto, umalma sa komento ng ilang netizens sa kanyang karelasyon

Ani Cristy, marami umano silang natatanggap na komento na sana'y hindi na lang ito pinabago ni Jake.

Isa na rito ang lola niyang si Tess Pineda na labis na nalulungkot sa malaking pagbabago sa apo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Unang-unang nalulungkot at nagugulumihanan dito sa isyung ito, ang kanyang kapamilya, mga kadugo niya. Tulad ng nagpalaki sa kanya, si Nanay Tessie," bungad ni Cristy.

"Alam mo ang sinabi ni Nanay Tessie, masyado siyang lungkot na lungkot sa mga nagaganap sa kanyang apo,"

Narito ang kabuuan ng chika ni Cristy Fermin mula sa YouTube channel niya na 'Showbiz Now Na':

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo.

Read also

Juliana Parizcova sa kanyang bashers: "Mukhang mahihirapan kayong asarin ako"

Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus.

Sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang ina ni Jake na si Raquel Pempengco matapos siyang nireklamo sa programa ni Raffy Tulfo ng kanyang sariling ina. Matapos ang pag-uusap ng mga-ina, nagpatawaran muli sila at tinanggap niya ang kanyang ina sa kabila ng naging akusasyon nito laban kay Raquel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel