Angeline Quinto, umalma sa komento ng ilang netizens sa kanyang karelasyon

Angeline Quinto, umalma sa komento ng ilang netizens sa kanyang karelasyon

- Sa ikalawang bahagi ng pag-uusap nina Vice Ganda at Angeline Quinto na ibinahagi ni Vice sa kanyang YouTube channel, patuloy na nagbahagi si Angeline ng tungkol sa kanyang personal na buhay

- Kabilang na dito ang tungkol sa kanyang personal na relasyon sa ama ng kanyang pinagbubuntis na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin masyadong nakikita ng publiko sa mga vlogs ni Angeline

- Ayon pa sa singer, minsan ay nababasa niya ang mga komentong maswerte sa kanya ang lalaking karelasyon dahil maganda ang trabaho ni Angge

- Nasasaktan umano siya dahil sa mga panghuhusgang ito ng mga tao sa kanyang karelasyon na nagbibigay sa kanya ng kasiyahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aminado si Angeline Quinto na nasasaktan siya sa panghuhusga ng mga tao lalo na sa kanyang karelasyon. Hindi pa umano ito masyadong handa na isapubliko at ginagalang naman iyon ni Angeline.

Angeline Quinto, umalma sa komento ng ilang netizens sa kanyang karelasyon
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Sa ikalawang bahagi ng vlog episode ni Vice Ganda na pinamagatang Chikahang Misis with Angeline Quinto, muling naibahagi ni Angeline ang tungkol sa kanyang personal na relasyon at kung paano ang siya mag-deal sa mga pinagdadaanan niya sa buhay pag-ibig.

Aniya, minsan nababasa niyang maswerte umano ang kanyang partner dahil maganda ang trabaho ni Angeline. Aniya, parang gusto niyang sabihin sa mga ito na ibigay na lang sa kanya ang kaligayahan niya.

Para naman kay Vice Ganda, deserve ni Angeline ang kasiyahan ni Angeline at walang kahit anong palakpak mula sa kanyang fans ang makapapantay sa kasiyahang nabibigay ng kanyang partner.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angeline Quinto ay isang mang-aawit na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge telserye at pelikula.

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

Isa din si Angge sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube content nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante na makikita sa kanyang mga vlog.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel