Cherry Pie, nakasama ang anak at si Edu sa kanyang "Who knows me better" video

Cherry Pie, nakasama ang anak at si Edu sa kanyang "Who knows me better" video

- Sa kanyang binahaging bagong YouTube video, nakasama ni Cherry Pie Picache ang kanyang anak na si Nio at ang kanyang karelasyon na si Edu Manzano

- Sumabak ang dalawa sa "Who knows me better" challenge upang magkasubukan ang dalawa kung sino umano ang mas nakakakilala kay Cherry Pie

- Marami ang kinilig at natuwa sa pagiging malapit ng dalawang mahahalagang lalaki sa buhay ng aktres

- Sa huli ay nanalo si Nio na ayon sa ilang netizens ay hindi naman imposible dahil mas matagal silang nagkasama ng kanyang ina

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang naaliw sa binahaging video ni Cherry Pie Picache sa kanyang YouTube channel. Nakasama niya ang aniya'y dalawang pinakamahalagang lalaki sa kanyang buhay — ang kanyang anak na si Nio at ang karelasyon niyang si Edu Manzano.

Cherry Pie, nakasama ang anak at si Edu sa kanyang "Who knows me better" video
Edu Manzano and Cherry Pie Picache (Photo: @yescppicache)
Source: Instagram

Sumabak ang dalawa sa "Who knows me better" challenge upang magkasubukan ang dalawa kung sino umano ang mas nakakakilala kay Cherry Pie.

Read also

Pinay sa Ukraine, ibinahagi ang sitwasyon nila sa pagtatago sa basement

Marami ang kinilig at natuwa sa pagiging malapit ng dalawang mahahalagang lalaki sa buhay ng aktres. Narito ang ilan sa mga komento ng kanyang viewers:

Ay, grabe 'to! Buong vlog naka smile ako sa sobrang sweetness n'yong tatlo sa isa't isa. I can see (& feel) the sincerity & the happiness. I love seeing your son & your partner having a great time with you. At yung kilig mo, Ms. Pie nakakahawa!You're so blessed at ganun din naman sila. Sana kayo na forever.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Super duper kilig ako sa #piedu . More of this pleaseeeeeeee. Yung 2 previous mga 10x ko pinanuod ang bawat episode. Grabe ang love ni Edu kay Pie. Makikita mo tlga na inlove na inlove sha.
This is a kind of vlog that's I laugh so much, while watching them, happiness overload tlaga, I enjoyed so much I love these family I love you guys thank you Ms. Pie daddy yo and Nio. God bless! When daddy yo said we will be together lifetime kilig!!!

Read also

PBB Isabel, naging emosyonal sa rason ng pagiging nominado; "Mayaman daw ako"

Si Cherry Pie Picache ay isang Pinay actress na nakilala sa kanyang mahusay na paganap sa mga pelikula at mga teleserye. Una siyang lumabas sa seryeng Ikaw na Sana na naipalabas sa GMA Network noong 1997. Kasalukuyan siyang bahagi ng mga artista ng Kapamilya network.

Matatandaang marami ang kinilig sa New Year's Day picture nina Cherry Pie at Edu kamakailan. Nauna na ring nasabi ni Edu na gusto niyang magka-anak sila ni Cherry Pie kung mabibigyan sila ng pagkakataon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel