PBB Isabel, naging emosyonal sa rason ng pagiging nominado; "Mayaman daw ako"

PBB Isabel, naging emosyonal sa rason ng pagiging nominado; "Mayaman daw ako"

- Naging emosyonal ang adult housemate na si Isabel matapos iyang maging nominado

- Isa kasi sa naibigay na rason ay ang pagiging mayaman niya umano at maraming susuporta at nagmamahal sa kanya sa labas ng bahay ni Kuya

- Aniya, madalas naman na raw itong mangyari sa kanya kung saan inaakala ng marami ng ang pagiging mayaman ay nangangahulugan nang walang problema

- Ito umano ang dahilan kung bakit madalas, hindi na lamang niya sinasabi sa iba ang kanyang problema

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilang maging emosyonal ng adult housemate na si Isabel Laohoo matapos na maging nominado.

PBB Isabel, naging emosyonal sa rason ng pagiging nominado; "Mayaman daw ako"
Isabel Laohoo (Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano kasi sa mga dahilan ng kapwa niya housemate kung bakit siya naiboto ay dahil sa mayaman naman daw siya at maraming nagmamahal at sumusuporta sa kanya sa outside world.

Read also

Misis ni Baron sa babaeng Viva talent: "nadala in real life"

Naitanong tuloy sa kanya ni Kuya kung pakiramdam ba ni Isabel na tila 'invalid' ang pagkakaroon ng problema sa mga tulad niya umanong mayaman.

"It happens. Because like, some people would go like, 'Ikaw, heartbreak lang yung problem mo; kami, yung pagkain namin.' That’s why if I have a problems, I don’t really share it to people... It’s sad sometimes, Kuya."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito ay kaugnay sa harapan nominasyon na naganap kung saan tahasang sinabi ni Roque na maililigtas naman si Isabel ng mga supporters lalo na at mayaman naman daw ito.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Isabel mula sa Pinoy Big Brother:

Si Isabel Laohoo ay isa sa sampung adult housemates na unang pumasok at naging bahagi ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10. Samantala si Roque Coting ay bahagi ng ikalawang grupo na pumasok sa Bahay ni Kuya bilang adult housemate.

Read also

Lunch Out Loud, nababalitang magsasara ayon kay Ogie Diaz

Bago sila pumasok sa bahay ni Kuya, tinanghal namang top 2 ng celebrity edition sina Anji Salvacion at ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez.

Sina Anji at Alyssa ay mula sa Final 5 ng PBB celebrity edition kung saan nakasama nila sa mga huling araw sa loob ng bahay ni Kuya sina Samantha Bernardo, Madam Inutz at Brenda Mage.

Kamakailan din ay gumawa ng ingay ang pamamaalam ni Toni Gonzaga bilang main host ng Pinoy Big Brother na naging programa niya sa loob ng 16 na taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel