PBB Isabel, malungkot sa mala-mansion nilang bahay: "It's rare that we eat together"

PBB Isabel, malungkot sa mala-mansion nilang bahay: "It's rare that we eat together"

- Emosyonal na ibinahagi ni PBB adult housemate Isabel ang kanyang kinalakihang buhay

- Si Isabel ang tinaguriang 'Bubbly Boss Lady ng Leyte' dahil sa dami ng kanyang negosyo

- Subalit sa kabila ng tinatamasang tagumpay at marangyang buhay mula pagkabata, aminadong nakararamdam siya ng lungkot

- Ito ay dahil sa bibihira rin niya umanong makasama ang kanyang mga magulang na busy sa kanilang hanapbuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi inaasahan ng marami na sa likod ng tagumpay ng 26-anyos ng adult housemate na si Isabel Laohoo ay nababalot din ito ng lungkot mula pagkabata.

Nalaman ng KAMI na emosyonal na ibinahagi ni Isabel sa loob ng bahay ni Kuya ang kanyang kinalakhang buhay sa Leyte.

PBB Isabel, malungkot sa mala-mansion nilang bahay: "It's rare that we eat together"
PBB house (Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: UGC

Masasabing may kaya talaga ang kanilang pamilya subalit buong tapang ding naibahagi ni Isabel na madalas naman siyang mag-isa.

Read also

Korina Sanchez, pinalitan ang aniya'y "miscalculated words" niya sa IG caption

"It's a happy home naman pero like sa video said that you have gatherings like you spend time with your family, mine, I barely see my parents," naluluha niyang nasabi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paliwanag ni Isabel, alam naman niyang naghahanapbuhay ang kanyang mga magulang para mabigyan sila ng maayos na buhay at grateful siya rito. Subalit aminado rin siyang nalulungkot dahil bihira niyang makasama ang mga ito.

"Sa house, mostly it's me and my grandmother who's there. When we have dinner, when we have lunch, it's rare that we eat together,"

"It's our home pero I eat alone... It's lonely kahit ang dami kong pagkain tapos may nakaabang na mga yaya sa likod parang It's sad eating alone," kwento ni Isabel kaya naman madalas ay inaaya na rin niya ang kanyang mga yaya na saluhan siyang kumain.

Read also

Madam Kilay, ibinahagi ang naipundar na property na katas ng kanyang vlogging

Narito ang kabuuan ng emosyonal na kwento ng buhay ni Isabel:

Si Isabel Laohoo ay isa sa sampung sdult housemates na bahagi ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Bago sila pumasok sa bahay ni Kuya, tinanghal namang top 2 ng celebrity edition sina Anji Salvacion at ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez.

Sina Anji at Alyssa ay mula sa Final 5 ng PBB celebrity edition kung saan nakasama nila sa mga huling araw nila sa loob ng bahay ni Kuya sina Samantha Bernardo, Madam Inutz at Brenda Mage.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel