Madam Kilay, ibinahagi ang naipundar na property na katas ng kanyang vlogging

Madam Kilay, ibinahagi ang naipundar na property na katas ng kanyang vlogging

- Pinakita ni Madam Kilay ang video kung saan binahagi niya ang kanyang naipundar mula sa kanyang vlogging

- Gawa sa kawayan ang malaking bahagi ng kanyang pinatayong rest house na mayroon ding swimming pool

- Ani Madam Kilay, may mga ilalagay pa silang dagdag sa kanilang itinayo kagaya ng fire pit, billiard table at marami pang iba

- Para sa kanyang mga viewers, payo ni Madam Kilay na palaging maging business minded lalo na sa panahong maayos ang kita

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinasilip ni Madam Kilay ang property na kanyang naipundar na katas ng kanyang pag-va-vlog. Pwede na umanong pumunta ang mga nais magbakasyon sa kanyang naipundar na resthouse na kanyang tinawag na "Kubo ni Gimo."

Madam Kilay, ibinahagi ang naipundar na property mula sa kanyang pag-vlog
Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Mayroon nang dalawang kubo na naitayo. Gawa sa kawayan ang malaking bahagi ng kanyang pinatayong rest house na balak niyang pwedeng upahan ng mga taong nais magbakasyon.

Read also

Zeinab Harake, trending sa Twitter kasunod ng pag-post niya ng kanyang pictures

Pinakita din ni Madam Kilay ang fire pit, billiard table at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para sa kanyang mga viewers, payo ni Madam Kilay na palaging maging business minded lalo na sa panahong maayos ang kita. Narito naman ang reaksiyon ng mga netizens:

Yan ang maganda sa pagpupundar ng kabuhayan jan sa atin, minsan depende sa pagkakatiwalaan .maganda sa pakiramdam pag nakita mo na ang resulta ng pagsisikap sa buhay...blessed ka kasi hindi ka pabaya sa pamilya at nag si -share ka rin ng blessings sa kapwa..
Ganda ng place! Proud of you MK! Thank you for the wisdom that you have imparted. Same thing here, been working hard here in the US, supporting my family (4 sets) and yet no investments whatsoever. So sad ...

Read also

Donnalyn Bartolome, ibinahagi ang isang kubo mansion tour

Super ganda! Ang sarap mag stay jan for a week to relax and mag unwind. Aabangan ko talaga to at pag keri na ng budget papabook agad. Hahaha.. thanks also for the great idea madam. God bless you and stay safe and healthy. Waiting and looking forward for the next update of this vlog

Si Madam Kilay o Jinky Anderson ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial. Ibinahagi niya rin ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay ibinahagi niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.

Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel