Zeinab Harake, trending sa Twitter kasunod ng pag-post niya ng kanyang pictures

Zeinab Harake, trending sa Twitter kasunod ng pag-post niya ng kanyang pictures

- Kasunod ng kanyang binahaging pictures sa social media, agad na nag-trending ang pangalan ni Zeinab Harake sa Twitter

- Bukod sa mga pagpapaabot ng mensahe ng pagsuporta, marami din ang nakapansin na lalong gumaganda ang vlogger

- Ito ay sa gitna ng lumabas na usap-usapang hiwalay na sila ng kanyang partner na si Skusta Clee

- Hanggang sa kasalukuyan ay walang inilalabas na pahayag ang dalawa kaugnay sa isyung ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agaw-pansin ang kagandahan ni Zeinab Harake sa kanyang binahaging mga pictures sa social media. Ito ay sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya kaugnay sa umano'y paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Zeinab Harake, trending sa Twitter kasunod ng pag-post niya ng kanyang pictures
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Bukod sa mga pagpapaabot ng mensahe ng pagsuporta, marami din ang nakapansin na lalong gumaganda ang vlogger. Agad na nag-trending ang pangalan ni Zeinab Harake sa Twitter kasunod ng pag-post niya ng kanyang pictures.

Read also

Pau Fajardo, aminadong kailangan pa ng oras para makapagpatawad

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

Nasaktan din naman ako pero hindi kasing ganda mo, Zeinab Harake. Iba talaga ang ganda kapag nasasaktan HAHAHAHAHAHA goo paganda kalang jan ate zeb

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahit kaming mga babae na i inlove sa sobrang ganda mo Ate promiselabyou po. kaloka momsh ang ganda mo
Ganda mo Naman @ZeinabHarake11 Stay strong and be pretty always wag munang isipin Ang mga problema magpakatatag lng mammy all Zebbies are here for you always... We always love you

Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay walang inilalabas na pahayag ang dalawa kaugnay sa isyung ito na unang pumutok matapos mapansin ng netizens na hindi binanggit ni Zeinab si Skusta nang isapubliko niya ang tungkol sa balitang nakunan siya.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Skusta Clee, binura na rin ang mga pictures ni Zeinab Harake sa kanyang IG

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel